Naka-live, nagdarasal sa Senate... Sen. Alan, 'nilamon ng apoy'

ni Mylene Alfonso @News | November 20, 2026

Photo: Sen. Alan Peter Cayetano - Senate / Circulated
Pinatanggal ni Senate Impeachment Court Presiding Officer Francis “Chiz” Escudero ang video effect na apoy na biglang lumitaw habang nagdarasal si Senador Alan Peter Cayetano sa ika-44 na araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte nitong Huwebes, Nobyembre 19.
Lumitaw ang naturang flame transition effect sa livestream ng Senado habang nananalangin si Cayetano para sa integridad ng impeachment court at kalinawan ng mga ebidensiyang inihaharap sa paglilitis.
Hindi nagustuhan ni Escudero ang insidente at inatasan ang Public Relations and Information Bureau (PRIB) ng Senado na maging maingat sa paggamit ng video effects.
“The flames are not well taken and inappropriate to these proceedings,” pahayag ni Escudero.
Iniutos din niya na alisin ang naturang bahagi sa opisyal na video record ng impeachment court.
Samantala, humingi ng paumanhin ang Senate PRIB at ipinaliwanag na aksidenteng lumabas ang video effect dahil sa hindi inaasahang teknikal na problema sa livestream.
Tiniyak din ng tanggapan na patuloy nitong pinahuhusay ang mga kagamitan at kasanayan ng technical staff upang maiwasang maulit ang insidente.





Comments