top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Nangyari na rin daw dati, nagkaanak pa uli… SIGAW NG NETIZENS: KYLIE, 'DI MAKAKATIIS, BABALIK DIN

BULGAR
Jul 11, 2021
1 min read

KAY ALJUR



ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | July 11, 2021



Samantala, pinagpupustahan ngayon ng mga netizens si Kylie Padilla. Marami ang hindi naniniwala na kaya niyang panindigan ang desisyon na makipaghiwalay na nang tuluyan kay Aljur Abrenica.


Ginawa na rin daw dati ni Kylie na layasan si Aljur noong si Alas pa lang ang kanilang anak. Pero, lumambot din ang puso niya at nakipagbalikan sa kanyang mister. Kaya, nasundan ulit ang kanilang anak at nabuo si Axl.


Ngayon kaya ay kakayanin na ba ni Kylie ang mahiwalay nang tuluyan kay Aljur? Mapangatawanan kaya niya ang pagiging single mom?


Wala kayang pagsisihan si Kylie kung sakaling hanapin ng kanyang mga anak ang kanilang ama? Kahit na sabihin pang puwedeng bisitahin ni Aljur ang mga anak dahil sa kanilang co-parenting agreement, iba pa rin kapag buo ang pamilya.


Kaya naman ang pustahan ngayon ng ilang showbiz observers ay baka isang taon lang tumagal si Kylie at muling babalik sa kanyang mister. 'Yun ay kung wala pang ipinapalit sa kanya si Aljur.


Ang tanong, hindi ba si Kylie ang tipong martir na handang tanggapin ang pagiging playboy ni Aljur?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page