Nanghingi ng prayers sa mga fans… SHARON, PATUNG-PATONG NA ANG SAKIT
ni Nitz Miralles @Bida | January 30, 2024

Pabalik o baka nakabalik na si KC Concepcion ng Manila dahil sa latest post niya sa Instagram, nakasulat ang “Off to MNL.”
Comment ng mga netizens, mabuti na nakabalik na si KC, madadalaw daw niya ang mom niyang si Sharon Cuneta na noong isang araw, nai-share sa kanyang mga fans ang health problems niya.
Una na ang ubo niyang hindi gumagaling, may scoliosis pa siya, pinched nerve sa lower back niya na lumipat sa right side ng body niya. Nagli-limp daw siya mula sa Seoul vacation nila with her family.
Nanghingi nga ng prayers si Sharon sa kanyang fans at dasal din nito na hindi too scary ang MRI results niya kapag nagpa-MRI na siya.
Aminado naman si Sharon na kaya may nararamdaman siyang sakit sa katawan dahil 58 years old na siya.
Anyway, mababawasan daw ang takot at sakit na nararamdaman ni Sharon kapag nagkita at nagkausap na sila ni KC.





Comments