Nang unang makasama sa pelikula… BELA, IBINUKING ANG NARANASAN KAY MARICEL SA SHOOTING
- BULGAR

- 59 minutes ago
- 3 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 25, 2026

Photo: IG bela & _officialmaricelsoriano
Ini-release na ng Viva Films ang first teaser ng pelikulang pinagsasamahan nina Maricel Soriano at Bela Padilla, ang Life After You (LAY) mula sa direksiyon ni Marla Ancheta.
Sa nasabing teaser ay mapapanood ang seryosong eksena ng dalawang aktres.
Kaagad naman itong ibinahagi ni Bela sa kanyang Instagram (IG) kasabay ng kanyang pasasalamat sa pagkakataong makasamang muli ang Diamond Star.
Ikinuwento niya na ang kauna-unahang pelikulang ginawa niya ay si Maricel din ang kanyang kasama at that time ay hindi pa siya kilala at dalawa lang daw ang kanyang linya.
“My first EVER film was with this extremely talented, beautiful, warm and absurdly funny legend.
“I was a fly on the wall with 2 lines. I played someone’s best friend… easily missed,” simula ng aktres.
Ang tinutukoy ni Bela na pelikula ay ang Bahay Kubo: A Pinoy Mano Po! (BKAPMN) noong 2007.
“But I was in awe. She came to set with dress bags following her. All her things, organized and neatly put away where she could easily reach for them. And every time they called her to set, she was ready to perform, to remind us why she’s our Diamond Star,” patuloy ni Bela.
“I’m lucky that I got to work on that project because they still used a film camera. So every time I heard the camera grind, before the AD would shout action, I would sneak a quick glance at what Miss Maricel was doing. But she was always ‘in the zone,’” sey pa niya.
Kasunod nito ay nagpasalamat siya kay Maricel gayundin sa direktor at sa Viva executive na si June Rufino.
“These are the moments in my life that feel unreal. The ones that remind me how much I love doing what I do (teary-eyed emoji). Thank you, Inay. Thank you, Direk Marla. Thank you, Tita June,” mensahe ni Bela Padilla.
HINDI pa rin mapigilang maging emosyonal ng aktor na si Kyle Echarri kapag napag-uusapan ang pumanaw niyang younger sister na si Bella.
Sa latest episode ng vlog ni Maricel Soriano kung saan guest ang aktor, isa nga ito sa mga napag-usapan nila at kitang-kita na masakit pa rin sa kanya ang pagpanaw ng kapatid.
Matatandaang taong 2023 nang sumakabilang-buhay si Bella at the age of 12 matapos ang pakikipaglaban sa brain cancer.
“Sobrang dami kong tanong sa buhay nu’ng nangyari po ‘yun sa akin. Sobra. Ang dami mong doubts sa world, sa ginagawa ko sa career ko,” saad ni Kyle.
Aniya pa, “In the midst of everything that was happening to my sister, paangat na ‘yung career ko. Nasa Pilipinas ako, nasa States s’ya nagpapagamot, pero for some reason, first time ko ever na magkaroon ng out-of-the-country work was the same year na nagkaroon s’ya ng sakit at du’n ako nakakapunta.”
Lahad pa niya, “It was so hard, kasi every time magba-back and forth ako, ‘Nay, iba’t iba ‘yung nawawala sa kanyang senses. Brain cancer kasi ‘yun, ‘Nay, it was controlling everything that she can ano, to the point where wala na s’yang ano. ‘Di mo na s’ya makakausap, naka-ganu’n na lang s’ya (hindi na makagalaw).”
Napaluha si Kyle habang inaalala ang paghihirap ng kapatid bago ito pumanaw.
“Sinabi ko sa Mama ko, ‘She’s just living for us at this point. What’s the point of letting her go through this pain?’ So, sinabi ko sa Mama ko, I don’t want to say we’re giving up on her but I want her to go back home, kumbaga, as an angel. Go back home. She already lived the life that she was given and I don’t want her living her life for us anymore. I want her to live her life up there,” kuwento ng aktor.
“And ever since then nawala s’ya, basta ‘yun, ipinangako ko po talaga sa sarili ko, I’m gonna do everything with the sole purpose of her being my purpose. Like she will be everything that I do.
“I make career decisions, life decisions or I have problems with certain people, I try to look at it as how I thought she would have looked at it with her innocence,” pahayag pa ni Kyle.
Bagama’t mahirap ay pinilit niyang tanggapin ang nangyari at inisip na lang niya na may dahilan ang Diyos kung bakit kinuha nang maaga ang kanyang pinakamamahal na kapatid.





Comments