top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Nang malamang COVID positive… ARJO, AYAW MAKAHAWA SA BAGUIO KAYA UMUWI NG MAYNILA

  • BULGAR
  • Aug 20, 2021
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | August 20, 2021



Hindi sa tino-tolerate ng mga magulang ni Arjo Atayde ang ginawa niyang pag-alis sa Baguio City nang siya ay makaramdam ng sintomas ng COVID-19 virus. Natural na reaction lang 'yun ng kahit na sino dahil sa labis na takot at pag-aalala sa maaaring mangyari sa kanya, lalo na't pareho ring nagka-COVID 19 ang mga magulang ni Arjo.


Kahit na hindi severe COVID ang tumama sa isang tao, para na itong death sentence na may hatid na torture at stress. Nakakapraning ang malaman na may sakit na COVID ang sinuman sa ating kapamilya o kasama. Matinding takot at pangamba ang dulot nito.


Kaya naman nakikiusap ang partidos ni Arjo Atayde na huwag naman sanang agad-agad na husgahan at ikondena ang aktor. Wala naman siyang intensiyon na mandamay at manghawa ng ibang tao. May mga staff at crew din ang kanilang production na nagkasakit din ng COVID-19.


Humingi na rin siya ng paumanhin kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong kung may nalabag man siyang health protocol.


Sa Baguio City nag-shooting ang pelikulang pinagbibidahan ni Arjo Atayde at posibleng doon niya nakuha ang virus.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page