top of page
Search
  • BULGAR

Nanay na raw, todo-displey pa ng katawan… JESSY, NAG-POST NG SEXY PHOTO, BARADO SA NETIZEN

ni Beth Gelena @Bulgary | December 7, 2023




Imbiyerna si Jessy Mendiola sa namba-bash sa kanya dahil sa ipinost niyang sexy photo sa kanyang Instagram account.


Bumalik na kasi ang magandang katawan ng sexy actress after niyang manganak halos mag-iisang taon na ngayon. Ang tagal din bago bumalik sa dati ang magandang pangangatawan ni Jessy.


Kamakailan ay ipinost ni Jessy ang kanyang balik-alindog photo kung saan napa-wow pa nga ang mister niyang si Luis Manzano.


Pero, may netizen na hindi nagustuhan ang ipinost ni Jessy at binash ang celebrity mom.


Sey ng netizen, "May anak ka na at asawa, dapat hindi ka na nagpo-post pa ng ganyan klaseng mga photos. Mahiya ka naman kay Luis at kay Star for All Seasons."


"Bumalik lang sa dati ang katawan mo, ipinost mo agad sa iyong socmed account. Nasabik ka, 'noh?"


Hindi naman nagustuhan ni Jessy ang clapback ng netizen sa kanya.


Aniya, kung si Luis nga raw na mister niya ay sinusuportahan siya at um-agree sa kanyang bagong posted photo, bakit nga naman mas nakikialam pa ang iba? Hindi naman daw niya hinihingi ang reaksiyon ng mga netizens. Kaya, hindi maiwasang tarayan ni Jessy ang basher.


Komento naman ng ibang fans ng aktres, "Korek Jessy! Hello, it's soon to be 2024!!!"


"Ang hirap mag-diet at mag-exercise, so flaunt all you want if that can make you happy. Sa kagaya kong mahilig lumafang, nakakabilib 'yung may self-discipline."


"Ganu'n talaga, 'pag ipinost mo publicly, eh, open ka na to be praised or be attacked. Kung sensitive ka, itago mo na lang. Siyempre, 'di naman lahat liberated mag-isip o umunawa."


"Grabe ang inggit sa katawan nu'ng basher. Go lang, Jessy, post ka lang and be an inspiration to many moms. Hindi madaling maging fit and fab after giving birth to a little human. And hello baby Peanut, you are such a cutie!"


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page