NANAY NA MAYSAKIT, AYAW TUMIRA KAY YASMIEN
- BULGAR
- Aug 24, 2023
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | August 24, 2023

May chronic kidney disease o CKD ang mom ni Yasmien Kurdi. Nagda-dialysis ito habang naghihintay ng kidney donor.
Nai-share ni Yasmien ang medical condition ng ina sa Zoom interview sa kanila ng cast ng GMA Afternoon Prime na The Missing Husband.
Labis na nag-aalala si Yasmien sa kondisyon ng ina at ayaw niya itong makitang nahihirapan.
Sa interview nga sa kanya sa 24-Oras, napaiyak si Yasmien at dasal nito, gumaling ang ina dahil gusto pa niya itong makasama nang matagal.
Para mabawasan ang pag-aalala sa ina, bumili ng bahay si Yasmien na malapit sa bahay nila para mabilis niyang matse-check at malulutuan daw niya ng food araw-araw.
Sa Quezon City kasi nakatira ang ina at ayaw pumunta sa kanila, kaya ang ginawa ni Yasmien, bumili ng bahay na malapit sa kanila. Kasama nito sa bahay ang lola at pinsan ni Yasmien. Problem solved nga naman!
Pinasalamatan ni Yasmien ang mga doctor at nurses na nag-alaga sa ina, pati ang mister na si Rey Soldevilla, Jr., at mga kamag-anak nila. Thankful din siya sa GMA na hindi siya binigyan ng schedule habang nasa ospital ang ina.
“Salamat din kay Sen. Robin Padilla na nag-offer na bayaran ang hospital bills ng mom ko, sayang lang at nakalabas na ng hospital at nabayaran na ang hospital bills namin nang mag-offer si Sen. Robin, pero salamat pa rin,” ani Yasmien.





Comments