top of page

Nanay at 2 anak ginilitan, patay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 1, 2023
  • 1 min read

ni Mai Ancheta @News | September 1, 2023



ree

Dedo ang 26-anyos na ina at dalawang anak nito na edad tatlo at limang buwan matapos gilitan ng hindi nakilalang suspek sa Bgy. Pupua, Catbalogan City, Samar nitong Miyerkules.


Batay sa report ng Catbalogan City Police, natuklasan ang pagkamatay ng ginang na si Rea Oreo at dalawang anak nang dumating ang asawang si Edito Candiz mula sa pamamasada ng tricycle.


Nakahandusay umano ang kanyang mag-iina sa labas ng kanilang bahay, yakap ng asawa ang sanggol na lalaki habang katabi naman ang anak na babae.


Ayon kay Pol. Sergeant Ronaldo Salentes, hindi pa nila matukoy ang pagkakilanlan sa suspek at kung ano ang motibo sa pagpatay sa mag-iina.



1 Comment


Barry Allen
Barry Allen
Oct 27

Grabe naman 'to! Nakakalungkot talaga ang ganitong balita. Parang Blue Lock Rivals na lang, ang hirap mag-compete pag may ganitong klaseng kalungkutan. Sana mahuli agad ang salarin.

Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page