top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Nanalong konsehal… HIRIT NG KAMPO NI KRIS: JAMES, UNAHIN SI BIMBY BAGO ANG MGA TAGA-SAN JUAN

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 14, 2022
1 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | July 14, 2022





Nanalo palang konsehal sa San Juan ang basketball player at ex-husband ni Kris Aquino na si James Yap.


Nakita namin kamakailan ang post ni James sa kanyang Instagram account na nag-oath taking at siyempre, super happy naman ang mga friends and supporters niya sa bagong mundo na kanyang pinasok.


Maraming bumati kay James at wishing him luck ngayong public servant na siya.


Pero may nabasa kaming ilang komento na obviously, mga maka-Kris dahil diretsahan ang sinabi nila kay James na bago raw nito paglingkuran ang mga kababayan sa San Juan, sana ay unahin muna nitong bigyan ng panahon ang anak na si Bimby.


Sabi pa nila kay James, ngayong may sakit daw si Kris, sana ay kumustahin man lang ng basketbolista ang dating asawa at maging ang anak niya sa aktres.


Eh, teka lang naman. Ang tanong, gusto ba ni Kris na magkaroon pa sila ng komunikasyon ni James at okay ba sila ngayon?


'Yun muna ang dapat masagot, devah?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page