top of page
Search
  • BULGAR

Nambugbog ng GF na si Ana, nega… KIT, OUT SA SERYE NINA PIOLO AT LOVI, PINALITAN NI JC

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | May 13, 2022


Kinumpirma sa amin ng taga-ABS-CBN na si JC De Vera na ang kapalit ni Kit Thompson sa Philippine adaptation ng Korean drama series na Flower of Evil na pagbibidahan nina Lovi Poe at Piolo Pascual.


Kung ang Kapamilya Network lang daw sana ang masusunod ay hindi nila tatanggalin si Kit dahil maganda naman ang ipinakita niya sa set ng Flower of Evil during the locked-in shoot bukod pa sa mahusay itong aktor.


Pagdating sa trabaho ay napaka-professional ni Kit at iba naman ang personal life niya sa programa.


“Kaso ang Viu na mismo ang nag-decide na i-out siya, eh,” kaswal na sabi sa amin ng taga-Dos.


Ang Viu ay streaming platform na nagsimula sa Hong Kong nu'ng 2015 at maraming bansa na ang ka-partner nito kasama ang Pilipinas na ini-launch noong January, 2022.


Bukod dito ay super-higpit ng South Korea sa mga adaptation at ayaw nila ng negatibong isyu.


Matatandaang nagkaroon ng matinding gulo si Kit at ang ex-girlfriend niyang si Ana Jalandoni na umabot sa bugbugan at sa korte at ito ang iniwasan ng Viu.


Sabi namin, kung hindi siguro nakialam ang Viu ay puwede pa rin si Kit. Puwede namang huwag na lang nilang isama sa poster o promo para hindi makasira.


Gayunpaman, kahit malaking gastos ito sa parte ng produksiyon ay kailangang i-reshoot ang 60% na nakunan na, kaya ‘yung nakausap naming kasama sa cast na hindi pa niya alam ang nangyari ay nagtataka kung bakit kailangan nilang mag-reshoot.


Sa kasalukuyan ay nasa locked-in taping sa Fontana Clark, Pampanga ang lahat ng cast ng serye.


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page