top of page
Search

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | March 18, 2024


Blind item:


Kaya naman pala hirap i-push ang singer/actress sa kanyang karera dahil walang PR sa media at sa iba pang co-workers nito.


Sa tuwing ipapakilala kasi ang singer/actress ay ngingiti lang at hindi man lang nag-e-effort na tumayo at makipagkamay. Tila ang bigat ng balakang niyang tumayo.


Ilang beses na rin siyang sinabihan ng handler niyang si ganito, si ganyan ‘yan, pero dedma ang singer/actress at lumilingon lang. 


Para siguro sa kanya ay sapat nang ngumiti siya. 


May nakausap kaming director na nakatrabaho na ng singer/actress at sabi ay mahiyain daw kasi siya kaya siguro bihirang ngumiti at bumati.


Ang nakakataka ay okay naman ang social media niya dahil milyones ang followers pero bakit hindi malakas ang movies at TV shows niya?


“Wala naman kasi siyang dating, mahina ang appeal, hindi na siya sikat, ‘no?  Buti nga nasama pa siya sa movie ng sikat na aktor kaya kahit paano, umingay ang name niya,” say naman ng mataray na broadsheet editor.

 




 
 

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | May 14, 2022

ree

Hanggang July, 2022 na lang daw ang aksiyon seryeng FPJ’s Ang Probinsyano at hindi na nito aabutin ang 7th anniversary dahil nagmamadali nang lumipad si Darna?


Isa ito sa mga topic ng tsikahan nina Nanay Cristy Fermin at Romel Chika sa online show nilang Cristy Ferminute sa Radyo 5 92.5 News FM nitong Huwebes, Mayo 12.


Tatapusin na ang serye ni Coco Martin as Cardo Dalisay dahil paliliparin na si Jane de Leon as Darna.


Birong sabi ni ‘Nay Cristy, “Siguro, naumay na rin mismo si Coco, ano?”


Sagot naman ni Romel Chika, “Siguro, ‘Nay, ‘yung kuwento, wala na talagang pupuntahan, eh.”


Speaking of Ang Probinsyano ay nag-post si John Estrada ng larawan nilang pamilya sa bahay nila sa Cavite kung saan malapit siya sa golf course.


Ang caption ni John sa larawan nilang mag-anak, “This is US.... The Estradas.

“A little bit of crazy..

“A little bit loud ...

“And whole lot of LOVE

“My daughter Anechka is not in the pic 'cos she has to sleep early for school btw ....

“If you're wondering who the other guy is??? That’s the boyfriend of my daughter Moira .... his name is Migs Dalisay .... kamag-anak pa ata ni Cardo Dalisay. But I like him... mabait na bata.” #familyiseverything


 
 

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | May 13, 2022

ree

Kinumpirma sa amin ng taga-ABS-CBN na si JC De Vera na ang kapalit ni Kit Thompson sa Philippine adaptation ng Korean drama series na Flower of Evil na pagbibidahan nina Lovi Poe at Piolo Pascual.


Kung ang Kapamilya Network lang daw sana ang masusunod ay hindi nila tatanggalin si Kit dahil maganda naman ang ipinakita niya sa set ng Flower of Evil during the locked-in shoot bukod pa sa mahusay itong aktor.


Pagdating sa trabaho ay napaka-professional ni Kit at iba naman ang personal life niya sa programa.


“Kaso ang Viu na mismo ang nag-decide na i-out siya, eh,” kaswal na sabi sa amin ng taga-Dos.


Ang Viu ay streaming platform na nagsimula sa Hong Kong nu'ng 2015 at maraming bansa na ang ka-partner nito kasama ang Pilipinas na ini-launch noong January, 2022.


Bukod dito ay super-higpit ng South Korea sa mga adaptation at ayaw nila ng negatibong isyu.


Matatandaang nagkaroon ng matinding gulo si Kit at ang ex-girlfriend niyang si Ana Jalandoni na umabot sa bugbugan at sa korte at ito ang iniwasan ng Viu.


Sabi namin, kung hindi siguro nakialam ang Viu ay puwede pa rin si Kit. Puwede namang huwag na lang nilang isama sa poster o promo para hindi makasira.


Gayunpaman, kahit malaking gastos ito sa parte ng produksiyon ay kailangang i-reshoot ang 60% na nakunan na, kaya ‘yung nakausap naming kasama sa cast na hindi pa niya alam ang nangyari ay nagtataka kung bakit kailangan nilang mag-reshoot.


Sa kasalukuyan ay nasa locked-in taping sa Fontana Clark, Pampanga ang lahat ng cast ng serye.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page