Namalimos ng tulong, dinedma… VIVIAN, TODO-TANGGOL NOON, TODO-BANAT NGAYON KAY P-DIGONG

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | December 15, 2020

May hinaing ang DDS-veteran actress na si Vivian Velez sa gobyerno.
Nakatalaga ngayon si Vivian bilang director-general ng Film Academy of the Philippines (FAP). Sa nalalapit na Luna Awards, ang award-giving body ng FAP, humingi ng tulong-suporta ang beteranang aktres sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nagpadala raw ng letter ang FAP director-general sa Malacañang at maging sa ibang pulitiko to ask for some financial help para sa gagawing awards night, pero hanggang ngayon ay wala raw siyang natatanggap na sagot.
Everybody knows na very vocal si Vivian bilang DDS (diehard Duterte supporter). Pero, sa pagkakataong ito, naglabas siya ng sama ng loob laban sa gobyerno.
Ayon sa beteranang aktres, pinagmumukha siyang ‘pulubi’ ng gobyerno.
Saad niya, “Parang wala akong pera. I work hard. I have businesses. My businesses are doing very well. Hindi ko pinangarap na mag-beg ako. Pagdating sa FAP, mukha akong pulubi.”
Ayon pa sa pamunuan ng FAP, hindi sinusuportahan ng gobyerno ang film industry, lalo na ang mga pelikulang nire-recognize ng mga award-giving bodies abroad.
Parang hindi naman sinang-ayunan ng mga netizens ang sinabi ng beteranang aktres. Nu’ng Friday kasi, December 11, ay awards night ng PPP4#SamaAll na project ng Film Development Council of the Philippines.
Bago nagsimula ang awards night ay nagbigay ng speech si Pangulong Duterte kung saan sinabi niyang "Suportahan natin ang pelikulang Pilipino."





Comments