ni Beth Gelena @Bulgary | February 26, 2024
Kumakalat ngayon sa showbiz circle na nagkakaproblema umano ang Tahanang Pinakamasaya (TP) sa financial.
Ang TP ay ang ipinalit ng TAPE, Inc. sa Eat… Bulaga! nang manalo ang TVJ (Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon) sa copyright ng programa.
Pinag-uusapan ngayon ng grupo kung ano ang nararapat nilang gawin sa noontime show sa GMA-7.
Ayon sa source, masyado na raw mataas ang expenses ng TP, escalating beyond manageable levels na raw ang nangyayari.
Loaded naman daw sa commercial ang TP, pero hindi pa rin daw ito masu-sustain sa laki ng gastusin kaya iniisip na isara na lang ito.
Adding to the speculation is the absence of Tony Tuviera, the prominent figure behind TAPE, Inc., from the management spotlight.
Although naka-associate pa rin si Tuviera sa programa, may mga tanong na lumulutang tungkol sa involvement niya sa gitna ng reported financial struggles.
Ang laki na rin daw ng pagkakautang ng TAPE, Inc. sa GMA Network na nasa estimated ₱800 million.
While some attribute this debt to recent developments, it is suggested that it may have originated during the tenure of Eat Bulaga!, a previous TAPE, Inc. production under Tuviera’s leadership.
Comments