top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

RYAN BANG, NAGBENTA NG KIMCHI, NAKABILI NG CONDO SA SOKOR

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
3 min read

ni Mercy Lejarde @Talkies | September 13, 2026



Isabelle Daza - IG

Photo: Ryan Bang interview - Chinkee Tan YT



“Hobby ko na ang mag-ipon,” pahayag ng It’s Showtime host na si Ryan Bang sa panayam sa kanya ng motivational speaker at wealth coach na si Chinkee Tan sa YouTube channel nito.


Sa isang eksklusibong panayam, ibinahagi ni Ryan ang kanyang sikreto sa pag-iipon ng pera, pati na rin ang kanyang mga karanasan sa negosyo at ang goal niyang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang ina.


Ayon kay Ryan, matagal na niyang hilig ang pagnenegosyo. Dahil dito, pinili niyang kumuha ng kursong Business Management sa De La Salle University.

Para kay Ryan, mahalagang matutong mag-risk upang makamit ang mga pangarap sa buhay.


“Ganoon po talaga, eh. ‘Di ba, sa buhay, may kasabihan din na ‘No pain, no gain?’ Kailangang may i-risk talaga,” ani Ryan.


Dagdag na kuwento niya, “Year 2010, nag-ipon po talaga ako. Naikuwento ko na rin sa mga director ko na first time, isang libo, iniipon ko ‘yun sa likod pa ng unan. Totoo talaga ‘to,” aniya.


Ayon sa kanya, ang kanyang unang suweldo ay ₱3,000, kung saan agad siyang nagtabi ng ₱1,000.


“Unang suweldo ko, tatlong libo. Tapos inilagay ko, isang libo. Kinikilig ako. Tapos, sinusubukan ko, dalawang libo, inilalagay ko, tapos kumakapal,” dagdag ni Ryan.


Naging rewarding daw ang makita kung paano unti-unting lumalaki ang kanyang ipon.

Sa panayam, ibinahagi rin ni Ryan ang isa sa kanyang pinakamalaking achievements – ang pagbibigay ng condo unit sa South Korea para sa kanyang ina.


Ayon kay Ryan, matagal niyang naging goal na maibigay ito sa kanyang ina sa loob ng sampung taon.


“Kasi may goal po ako. Sa loob ng sampung taon, at least, naregaluhan ko po ‘yung nanay ko ng condo sa South Korea, nakapangalan sa kanya,” aniya.


Tinanong naman ni Chinkee kung alam ba ng kanyang ina na bibilhan niya ito ng condo.

“Hindi niya alam, siyempre. So, nu’ng meron na akong condo na ibinigay sa nanay ko, ‘yun ‘yung achievement ko talaga,” sagot ni Ryan.


Napag-usapan din sa interview ang negosyo ni Ryan, kabilang ang pagsisimula niya ng online business.


Aniya, nagbenta siya ng Jaba kimchi sa pamamagitan ng Instagram. Sinimulan niya umano ang pagbebenta ng kimchi sa halagang ₱99. Nang makahanap siya ng mas malaking lalagyan, itinaas niya ang presyo nito sa ₱150.


Dahil sa patuloy na pagdami ng orders, nakapag-ipon umano sila ng halos ₱800,000 mula June hanggang November.


Wow, super blessed si Ryan sa pagnenegosyo. Sana naman, sa love life, suwertehin din siya. ‘Di ba naman, madlang people?





NAGBAHAGI ang aktor na si Smokey Manaloto ng larawan sa kanyang social media account kung saan makikita siyang panatag na nakaupo habang karga ang kanyang bunsong anak.


Kalakip ng larawan ang isang caption tungkol sa kanilang buhay bilang mga magulang ng kanilang newborn.


Aniya, “Good morning from the night shift crew. Feeding, burping, diaper changes, lungad, puyat… then somehow, morning na naman. Kaya hindi ako nakakapag-post nang madalas nitong mga nakaraang araw.


"Nakakapagod, pero okay lang. Kasi someday, lalaki ka rin, baby, at itong gulo na minsan gusto lang naming ipahinga… siya rin palang hahanapin at mami-miss namin balang-araw. 


“So for now, we’ll hold you a little longer and enjoy being your favorite place to sleep.”

Samantala, sa comment section ng post ni Smokey, nag-iwan ng komento ang aktres na si Claudine Barretto.


Pabirong saad ni Claudine, “Kuya, PAHIRAM MUNA! Parang need n'yo mag-rest.”

Hindi naman nagpahuli si Smokey at sinagot ito ng birong, “Claudine Barretto, hahaha! Gawa ka na lang ng bago… hehehe.”


In fairness kina Smokey at Claudine, mula nang gumanap silang magkapatid sa Home Along Da Riles nu’ng ‘90s, solid pa rin ang kanilang samahan hanggang ngayon.


'Yun lang and I thank you.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page