top of page
Search
  • BULGAR

Nalamang naghihirap na… MARK, KUMANTANG DINAGSA NG ALOK NG MGA BADING

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | April 4, 2024



Umamin si Mark Herras sa eksklusibong panayam sa kanya sa YouTube channel ni Ogie Diaz na in-upload nu’ng Martes nang gabi na totoong mahina na ang kita niya at aminado rin itong hindi na siya ganu’n kasikat.


Nabanggit din ng aktor na kapag wala siyang trabaho sa GMA-7 ay naghahanap siya ng raket dahil kailangan niya ng pambuhay sa kanyang mag-ina.


May usap-usapan na hindi na siya sikat dahil may pamilya na siya.


Esplika ni Mark, “I’m very busy being a dad at masayang-masaya ako (ipinakita ang video na naglalaro sila ng anak). May mga naririnig ako na parang nawala raw ang career ko, nawala raw ako sa industriya or sa showbiz light dahil masyado akong nag-focus sa pamilya ko sa pagiging daddy.


“Isa ‘yun sa mga reasons kung bakit daw ako nawalan ng career. Actually, kung sa tingin nila ay nawalan ako ng career because of that, it’s okay kasi ako, bilang ama at bilang asawa ay never namang pumasok sa isip ko na magiging dahilan ‘yung pamilya ko at pag-focus ko sa anak ko para mawalan ako ng career."


Dagdag pa niya, “Kung nawalan ako ng career, okay! Kung sa tingin nila ganu’n, okay! Pero hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko na ibinigay ko ang oras, panahon sa pamilya ko, lalo na sa mag-ina ko.


“Kailangan ko ba ng reason para palawakin ang career ko? Kasi magkaiba ‘yung buhay-showbiz at sa totoong buhay.”


At inamin ng aktor na napikon siya sa mga nagpapakalat na dahil nag-asawa siya’t nagkaanak ay nawalan na siya ng ningning.


“Medyo kasi ‘wag nilang idadamay ang pamilya ko. Nananahimik ang pamilya ko, nasa bahay nga lang sila. Ibato n'yo na ang lahat sa akin, ‘wag lang ang pamilya ko. Wala silang atraso sa inyo. Choice ko ‘to,” diin ni Mark.


At dahil sa sinasabing hindi na ganu’n kainit si Mark ay kumonti na rin ang kita niya kaya umaming naghahanap siya ng ibang pagkakakitaan kapag walang project sa Kapuso Network.


Dito naitanong ni Ogie na kaya ba nangutang si Mark ng thirty thousand pesos sa manager niyang si Lolit Solis?


“'Yung utang ko kay 'Nanay Lolit (Solis), lumang balance na ‘yun.  Hindi ‘yung recently lang, matagal na ‘yun, saka nabayaran na ‘yun, haha!” tumawang sabi ng aktor na ikinatawa rin ni Ogie.


Naging laman ng social media at pahayagan noon si Mark na umuutang sa manager niyang si Manay Lolit ng P30K na ikinuwento naman ng huli kaya nabuking ito at lumaki ang isyu.


Pero sabi nga ni Mark, lumang balance pa at bayad na. 


Pagbubuking ni Mark, “Si Nanay (Lolit) kasi, may mga ugali ‘yan na bilang manager ko siya before na ‘Oh, hindi ka na pinag-uusapan. Kailangang mapag-usapan ka. Gawa tayo ng isyu!”


Sey pa ni Mark, “Ang problema lang nu’ng nangyari ‘yun (utang issue), siyempre, hindi ako handa, saka may asawa na ako. At kahit nasa showbiz ang asawa ko (production), hindi siya sanay sa intriga na ganu’ng biglaang isyu na ‘Ano 'to?' Kahit explain ko sa kanya (asawa), apektadung-apektado siya, kahit mga in-laws ko."


Pahayag pa ng dancer, “Kaya sabi ko, ‘Dyusko naman si nanay, wala man lang abiso! Hindi man lang ako sinabihan kaya todo-explain ako sa asawa ko at sa in-laws ko na to the point na, ‘Nay (Lolit) hindi na ito magwo-work sa akin, eh, mga ganitong issue hindi ko na kailangan ngayon ‘to. Nakakahiya na para sa asawa ko.'


“Kasi maraming mga bagay sa buhay ko before na hindi ko na puwedeng i-apply ngayon, eh.


Like ‘yung single ka, kahit na anong isyu, sige lang para lang mapag-usapan (at) umingay.


“Ngayon kasi, parang nahihiya na ako. I’m proud kung anuman ‘yung mga na-experience ko before but there are things like that na hindi ko na puwedeng i-apply kasi nga, I have a family na at ‘yung anak ko naman, kapag medyo bukas na bukas na ‘yung utak niya, mababasa niya ‘yun. 'Dad, may utang ka raw.' Alam mo ‘yun, nakakahiya, eh.”


Tawa nang tawa ang dalawa sabay tanong ni Ogie, “Wala ka bang treinta mil?”


Kaya 'pag na-Google raw ito ng anak ni Mark pagdating ng tamang panahon at tanungin siya ng, "'Akala ko ba sikat ka dati, bakit wala kang treinta mil?' Parang ganu’n, eh.


Siyempre, hindi mo naman mapipigilan si Nanay, 'di ba?”


Ito na rin ang dahilan kaya kinausap ni Mark ang manager na maghiwalay na sila.


“'Yun na lang din ‘yung naging choice, naging reason ko para ‘Nanay, it’s time for us to separate lives,'” pag-amin nito.


Dahil sa viral issue na ito ay maraming nagpadala ng private messages kay Mark, na handa siyang tulungan sa problema niya sa pananalapi.


“Mula nu’ng ilabas ‘yun kay Manay Lolit, doon mo naramdaman na malakas ka pala, may asim ka pa kasi maraming nagdi-DM (direct message) sa ‘yo na gusto kang tulungan and most of them, gays. Paano mo hinarap ‘yun?” esplika at tanong ni Ogie kay Mark.


Sagot ni Mark, “Well, unang-una, hindi ko sila nire-reply-an. Sabi ko nga sa mga kaibigan ko, 'Baka nakakalimutan n’yo, I was raised by gay parents.' 


“So, kung ‘yung iba, nakakaamoy sila ng gay, ako, tingin pa lang, alam ko na! ‘Yung mga nagdi-DM sa akin, hindi ko naman sinasabing binabastos nila ako or what, hindi ko na lang sila nire-reply-an. Hindi pa naman ako umaabot sa ganu’n (papatol) na kailangan kong reply-an ‘yung mga taong ‘yun para magkapera. Hindi pa naman ako umabot sa ganu’ng point sa buhay ko at hindi ko rin naman aabutin ‘yun, nakakahiya rin sa magulang ko. 'Yung iba, gustong tumulong talaga, ‘yung iba, gustong tumulong pero tulungan mo rin sila, hahaha!” tumatawang kuwento ng Kapuso actor.


Hirit din ni Ogie, “Tulungan mo rin sila sa pangangailangan nila, hahahaha!”


Giit pa ni Mark, “Kaya na nila ‘yun, okay pa naman ako. May ibang trabaho pa naman akong puwedeng gawin.”


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page