top of page
TEKA NGA - PASABOG NI XIAN GAZA NA NANGHIRAM NG CONDO AT LUXURY WATCHES SI ALDEN, SUPOT-FB

Nakita ng 8-anyos na utol... 4 yrs. old, sinaksak ni nanay, patay

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 8
1 min read

ni Mai Ancheta @News | September 8, 2026



Nakita ng 8-anyos na utol... 4 yrs. old, sinaksak ni nanay, patay

Photo: File



Patay ang 4-anyos na lalaki matapos umanong saksakin sa leeg ng ina sa Brgy. Surgui 1st, Camiling, Tarlac nitong Linggo ng umaga.


Ayon sa Camiling Police, nadiskubre ng ama ang pagkamatay ng anak pagdating nito mula sa trabaho.


Nakita ng ama ang biktima sa tabi ng kanilang bahay na duguan at natakpan ng kumot, kaya agad na dinala ito sa loob ng bahay.


Pagkakita umano ng ina sa kanyang asawa ay agad na kumaripas ng takbo.

Ang insidente ng pananaksak ay nasaksihan ng 8-anyos na kapatid ng biktima, subalit dahil sa takot ay hindi ito makapagsumbong.


Nabatid na may problema sa pag-iisip ang ina at hindi pa nagpapa-check up dahil sa kakulangan ng pera.


Sa follow-up operations ng mga awtoridad ay natagpuang ang suspek na nagtatago hindi kalayuan sa kanilang bahay.

1 Comment


Coffee Lover
Sep 10

Great read! Thanks for sharing this insightful article. I found the points very helpful. learn more about coffee makers

Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page