Nakipagsabayan kay Kathryn… SUNSHINE, MAGPI-50-ANYOS NA, PROUD PA RING IBUYANGYANG ANG KATAWAN
- BULGAR
- Mar 13, 2024
- 1 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | March 13, 2024

Sobrang proud ni Sam Cruz sa ina niyang si Sunshine Cruz sa Bench Fashion Week.
Sa IG (Instagram) Stories ay ibinahagi niya ang video clip ng ina habang rumarampa sa star-studded Bench Fashion Week.
Si Sunshine ang isa sa mga rumampa sa runway na suot ang sexy Bench apparel.
Nilagyan ni Sam ang video clip ng caption na: "That's my mommy!"
Katabing nanood ni Sam ang dalawa pa niyang kapatid na sina Angelina Isabelle at Angel Franchesca.
Very proud si Samantha sa simpleng kagandahan ng ina at walang maniniwala na nasa late 40s na si Shine dahil ang ganda pa rin ng kanyang physique.
Aside from Sunshine, nasa BFW (Bench Fashion Week) din si Kathryn Bernardo.
Kering-keri na rin ni Kath ang paglalakad sa runway kung saan naka-receive siya ng mga positibong komento mula sa mga netizens.





Comments