Nakatira na sa condo… BEA AT VINCENT, WALANG HONEYMOON AFTER NG KASAL
- BULGAR

- 8 hours ago
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | July 16, 2026

Photo: IG _beaalonzo
Nakausap ni King of Talk Boy Abunda si Vincent Co bago at pagkatapos ng kasal nila ni Bea Alonzo.
Ikinuwento ni Kuya Boy sa kanyang programang Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) ang naganap na pag-uusap nila ni Vincent.
Pahayag ni Kuya Boy, “These past few weeks, Vincent Co and I have been talking to each other because of a proposed project that I have for him. Ito po’y may kinalaman sa pelikula. So, we’ve been talking about it. Pero not once did we talk about his wedding. Wala po tayong kamuwang-muwang, kaalam-alam at ‘di natin pakikialaman ‘yun.”
At noong Martes, July 14, lumabas na ang balita tungkol sa wedding nina Vincent at Bea. Nakausap daw ni Kuya Boy si Vincent sa telepono.
“I spoke to him. Nagkausap kami ni Vincent Co and very matter-of-factly tinanong ko siya, ‘Vincent, kayo ba’y kasal na ni Bea?’ Sabi n’ya, very, very matter-of-factly din. Sabi niya, ‘Opo.’ And I was very happy for them,” kuwento ni Kuya Boy.
Tinanong ni Kuya Boy si Vincent kung magta-travel ba sila ng kanyang misis para sa kanilang honeymoon. Hindi raw, sabi ni Vincent. Marami raw silang trabaho ni Bea na dapat unahin.
Like si Bea, balik-taping na ulit siya sa serye niyang Whispers From Heaven (WFH) kahapon, Miyerkules.
At noong Martes, nasa photoshoot naman si Bea para sa bagong campaign ng isa niyang product endorsement.
Ayon sa aming source, pansamantalang nakatira sina Vincent at Bea sa isang condo. Ipina-renovate raw ni Vincent ang condo bago ang wedding. Pursigido raw ito sa muling panunuyo kay Bea.
At habang ginagawa raw ni Vincent ang panunuyo kay Bea, sinimulan na ang renovation ng magiging pugad ng pagmamahalan nilang dalawa.
Alam na!
Kahit na-bash dahil sablay…
POPS, NAGPASALAMAT SA STATUE SA STARTISTA GALLERY
NAGSALITA na si Pops Fernandez tungkol sa na-bash na statue niya sa STARtista Gallery ng Star City dahil malayo raw ito sa mukha ng Concert Queen.
During her live streaming sa Instagram (IG), humiling si Pops na bigyan ng second chance ng kanyang mga fans ang gumawa ng kanyang statue.
Isa sa mga tanong kay Pops ay kung ano ang masasabi niya sa kanyang statue.
Pahayag ni Pops, “Actually, the idea of the whole wax museum is actually very good. It is to honor the athletes, our heroes, the celebrities through wax figures.
“Actually, napakagandang idea talaga ‘yun and it’s really honoring us. So, for that, maraming-maraming salamat to Star City and, of course, for honoring the artists, the other prominent figures, of course, dito sa Philippines.
“Ah, nag-promise naman po sila na gagalingan nila. So, alam n’yo, bigyan naman natin sila ng chance. ‘Wag paulit-ulit.
“Kasi minsan, kawawa rin. Siyempre, nag-effort din naman sila. So, I understand it. And I know some of you probably nag-react lang. Wala kasi ako nu’n, eh.
“So, let us appreciate why they did it. So, appreciate na lang po natin ‘yun, ‘di ba? So, maraming salamat for that also.
“‘Di naman lahat ay nagbibigay ng honor sa mga celebrities, artists, athletes at kung sinu-sino pa for their effort and for their concept. Thank you very much.”





Comments