Nakatanggap daw ng maleta, rumesbak… SHARON: KAPATID NG SINUNGALING ANG MAGNANAKAW!
- BULGAR

- 6 hours ago
- 3 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | June 18, 2026

Photo: Sharon Cuneta - FB
Umalma si Megastar Sharon Cuneta sa akusasyong nakatanggap umano siya at ang mister niyang si Sen. Kiko Pangilinan ng maleta na naglalaman ng pera ng bayan.
Agad na naglabas ng reaksiyon si Sharon matapos mabanggit ang kanilang pangalan sa isinagawang pagdinig kaugnay ng umano’y flood control scam.
Ilang testigo ang nagpakita ng larawan ng isang pagpupulong kung saan kasama nina Sharon at Sen. Kiko ang sinasabing ‘big fish’ sa kontrobersiya na si Rep. Zaldy Co.
Ayon sa kanilang salaysay, dito umano naganap ang pag-abot ng ‘maleta’ sa mag-asawa.
Mariing pinabulaanan ni Sharon ang alegasyon at ipinaliwanag na kuha ang larawan sa kanilang pagbisita sa Marawi.
Aniya, “I vlogged about this visit my family and I made to Marawi to thank the Governor, Mayor, and other officials and their families for their support for Kiko. Talaga ba, magbibigay kayo ng maleta sa amin sa Marawi pa? Ang kakapal ng mukha ninyo talaga, sukdulan!
“Eto, nagte-taping pa ako ngayon, nagbabanat pa rin ng buto at lumalaban nang patas, dahil lahat ng meron kami, PINAGHIHIRAPAN NAMIN! ‘Di kami tulad ninyong mga sinungaling! Kaya sabi nga nila, KAPATID NG SINUNGALING ANG MAGNANAKAW! Bahala na ang PANGINOONG DIYOS sa inyo. ALAM NIYA KUNG SINO ANG TOTOONG SUMUSUNOD AT SUMASAMBA SA KANYA! WALA KAYONG KUWENTANG TAO! @kiko.pangilinan.”
Sa kabila ng pagtanggi ni Sharon, umani pa rin ng magkakaibang reaksiyon mula sa mga netizens ang isyu.
May ilan na nagduda at nagpahayag ng kanilang opinyon sa social media, habang marami rin ang nagpahayag ng suporta sa mag-asawa at nagsabing nananatili silang nagtitiwala kina Sharon at Sen. Kiko.
Sey ng mga netizens, “Naniniwala ang mas nakararaming Pinoy sa inyo, Sen. Kiko. ‘Di sayang ang boto namin sa ‘yo. Ipagpatuloy n’yo lang ang tunay na pagseserbisyo para sa ‘Pinas.”
“Laban, Madam (Sharon). Hampasin mo sila ng Birkin!”
Sabeee?!
SOBRANG grateful ng aktres na si Jodi Sta. Maria sa kanyang 44th birthday. Hindi niya sukat-akalain na mararanasan niya ang iba’t ibang travel adventures sa edad niya ngayon.
Dream lang daw niya noon ang makarating sa mga bansang gusto niyang puntahan. On her 44th birthday, ipinost ni Jodi ang kanyang adventures in life sa social media.
Caption ni Jodi sa IG post niya, “I look at my life today, and I see a girl who used to whisper prayers for the life she is living right now.
“At 44, I am still amazed by how far God’s grace has carried me. His goodness and mercy have followed me everyday of my life.
“Every single lesson and every unexpected redirection was just paving the path to where I am today. I am sitting in a life full of answered prayers.”
Binaha ng pagbati ang IG post ni Jodi mula sa kanyang mga celebrity friends. Ilan sa kanila ay sina Judy Ann Santos, Carla Abellana, Dimples Romana at ang dyowa ng ex-husband niyang si Pampi Lacson na si Iwa Moto.
Nag-post din si Jodi sa X (dating Twitter) ng pasasalamat sa lahat ng bumati sa kanyang kaarawan.
Sey ni Jodi, “So deeply touched by all of your birthday messages. Reading your words made my day incredibly special. Maraming salamat sa inyong lahat @JodinaticsOFCL (thankful heart smiling face with hearts sparkles smiling face with hearts)
“‘Di man ako maka-reply nang isa-isa but please know that every message made me smile and feel so loved (sparkles smiling face with hearts emojis). Mahal ko kayo (smiling face with hearts emojis).”





Comments