Nagkabalikan na raw… BELA AT MARTIN TAN, TOGETHER AGAIN SA B-DAY PARTY

ni Nitz Miralles @Bida | October 19, 2026

Photo: IG _tekya_martin
Nagkikita at friends pa rin si Bela Padilla at ang ex-boyfriend niyang si Martin Tan.
Spotted ang former couple sa birthday party ng makeup artist ng aktres. Magkatabi sila, nakangiti at masaya ang aura. Naniniwala tuloy ang mga fans na nagkabalikan na ang dalawa dahil magkasama sila.
May natuwa nang makitang magkasama sina Bela at Martin, at may mga nag-wish na magkabalikan sila dahil bagay daw ang dalawa.
May mga naniwala namang hindi talaga nag-break sina Bela at Martin. Baka raw nagkaroon lang sila ng LQ o lovers’ quarrel, kaya lang, naglabas ng mahabang post si Bela para ipaalam na break na sila ni Martin.
Anyway, abangan na lang natin at baka sa susunod ay mabalitaan nating nagkabalikan na sila. Hopefully, i-post din ito ni Bela. We love reading her writings dahil mahusay siya.
And speaking of Bela, napapanahon ang pagkakapili sa kanya bilang Waves for Water Philippines ambassador dahil sa paparating na El Niño. Welcome siya at ang bago niyang advocacy sa Bohol.
Nakakatuwa ang lumabas na publicity material. Nasa harap niya ang maraming balde, sa harap ng water purifier, at may isa pang larawan niya na katabi ang malaking galon.
Pinuri si Bela ng mga fans. Makakatulong daw siya para ipalaganap at yakapin ng mamamayan ang kanyang advocacy for clean and sufficient water para sa lahat ng Pilipino.
Filipino dish, biglang-sikat…
TORTANG TALONG, TRENDING DAHIL KAY GWYNETH PALTROW
NAG-TRENDING ang pagluluto ng American actress na si Gwyneth Paltrow ng tortang talong na umani ng 5K+ comments at 150K+ likes. Ang sarap ng version ni Paltrow ng Filipino dish. Sagana sa itlog at may iba pang ingredients.
Sabi nito, “Tortang Talong with garlicky turkey crumbles and banana ketchup. A Filipino breakfast classic.”
Ipinakita ni Paltrow ang paghahanda ng tortang talong, mula sa pag-iihaw ng talong sa stove at paghiwa ng ingredients hanggang sa maluto. Parang naging sosyal ang tortang talong nang dahil sa American actress. Ang banana ketchup, siya pa ang gumawa from scratch.
Ang daming Filipino celebrities na nag-comment sa post ni Paltrow. Isa sa mga pinakamagandang comment ang kay Erwan Heussaff, ang celebrity chef husband ni Anne Curtis.
Komento nito sa post, “Thank you for not calling it an Eggplant Omelette.”
Isa pang ‘kaaliw na comment, “You’re Ate Gwyneth for now on.”
May nag-suggest ng cooking collab with Filipino chefs at may nagmungkahi ring magluto si Paltrow ng spaghetti gamit ang banana ketchup.
‘Kaaliw din ang comment na, “I live to see tortang talong have its global moment, and I’m here for it!” kasunod ang emojis ng talong.
Nagluluto rin si Gwyneth ng food from other countries gaya ng Spanish, French at Vietnamese food. Masipag lang mag-comment at mag-like ang mga Pinoy. More than 5K na ang comments and counting.
ANG ganda ng intro kay Sharon Cuneta sa gagawin niyang series of shows sa California, na may titulong Sharon Cuneta: The Mega Experience. She was called ‘An Icon’, ‘A Megastar’, ‘A Legacy’, ‘The New Sharon’ at ‘A Voice’.
Three shows ang gagawin ni Mega sa November 13, 15 at 21 sa Pasadena at Temecula, California.
Masaya ang mga fans na based sa nabanggit na lugar dahil mapapanood uli nila si Sharon performing. Tapos, napapanood din nila siya sa Honor Thy Mother (HTM) sa Prime Video. Very much in ngayon si Mega.
And speaking of HTM, ang ganda ng review sa series na ito at ang huhusay ng cast mula kina Sharon, Barbie Forteza, Khalil Ramos, Mercedes Cabral at John Estrada, hanggang sa iba pang cast members. Hinihintay na ito sa free TV.





Comments