Nakatakda ang malawakang kilos-protesta, pero AFP tapat pa rin daw sa Konstitusyon
- BULGAR

- 1 day ago
- 3 min read
ni Ka Ambo @Bistado | November 16, 2025

Aktuwal nang ‘naghahalo ang balat sa tinalupan’.
Sa English, ‘yan mismo ang blood bath.
-----$$$--
HANGO ang talinghagang ito sa royal rumble ng mga talisain sa isang kulungan — nagsasabong-sabong ang mga manok — hanggang sa isa lang ang matira.
Sa isang kuwento sa Brgy. Longos sa Bigaa, Bulacan, sinasabing nagising isang gabi si Tata Ige dahil sa hindi magkamayaw na putak at sabong ng mga manok sa likuran ng kanyang bahay-kubo.
-----$$$---
Nagsabong-sabong pala ang lahat ng kanyang alagang talisain — at kinabukasan nang magliwanag -- iisa ang natirang buhay pero marami ring sugat.
Ang kulungan na ginawang gradas ay napuno ng mga nagkalat na balahibong manok na humalo-halo sa mga tigpas na balat o skin ng kanyang mga patay nang talisain na naliligo nang dugo.
Bulong niya habang naglilinis ng kulungan: “Naghalo ang balat sa tinalupan”.
----$$$--
MATATANDAANG ibinabala ni VP Sara ang blood bath nang magkahiwalay sila ng landas ni PBBM.
Kasunod nito, inimbestigahan ng Kongreso ang kanyang confidential fund at isinampa ang impeachment case.
-----$$$--
Mistulang “madugo” ang mga kasunod na pangyayari dahil inaresto ang kanyang ama at iniregalo sa ICC sa The Hague.
Sopresang sinibak naman si dating Senate President Chiz Escudero na inakusahang tumanggap ng campaign fund sa isang kaibigang kontraktor.
----$$$--
HABANG umaandar ang mga araw, inakusahan na ng pandarambong ang ilang senador, kongresista at mga dating pulitiko kasama ang mga DPWH officials, COA at maging ang executive secretary kaugnay ng multi-bilyong pisong flood control projects.
Napuwersang magbitiw si Rep. Martin Romualdez bilang Speaker at Zaldy Co na congressman, bago binuo ang ICI sa isang executive order ni PBBM.
----$$$-
PERO ngayon, biglang idinawit na mismo ni Co si PBBM, na agad itong idinepensa umano ni Senate Blue Ribbon Committee chairman Sen. Panfilo Lacson imbes na magpahayag ng ‘neutral’.
Kaliwa’t kanan na ang palitan ng akusasyon ng magkabilang-panig.
----$$$--
Nakatakda ang malawakang kilos-protesta sa susunod na mga araw.
Pero, agad nang naglabas ng opisyal na pahayag ang AFP na mananatili silang tapat sa Konstitusyon.
-----$$$--
SA totoo lang, maging sina ex-AFP Fidel Ramos, ex-DND Secretary Juan Ponce Enrile ay naunang nagpahayag ng pagiging tapat kay dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. pero binali rin nila ang pahayag.
Iyan din ang matatag na pahayag ni ex-AFP Chief Angelo Reyes pero ‘trinaydor’ din niya ang kanyang Commander-in-Chief na si Pareng Erap Estrada.
Nang lumaon, nag-suicide at nagbaril sa sarili -- si Reyes!
Aktuwal na madugo.
---$$$--
SA aktuwal, matagal na ang talamak na corruption across all department sa gobyerno kahit wala pa si PBBM.
Ang nararanasan naman ngayon ni PBBM ay normal na nararanasan ng isang “lider o pangulo” na malapit nang matapos ang termino.
Unti-unti nang lalayo ang mga hunyango para kumapit at lumipat naman sa naaamoy nilang susunod na uupo sa Malacanang.
Walang personal d’yan, teknikal na pagtaya ‘yan.
----$$$--
DAPAT kaawaan si PBBM, dahil masasaksihan natin kung paano siya iiwanan ng kanyang mga “tinulungan” — dahil pahina nang pahina ang kanyang poder — habang lumalapit ang 2028.
Maikukumpirma natin ngayon kung isang mahinang lider ba o strong si PBBM.
----$$$--
TOTOO bang weak lider si PBBM? Ere ang panukat o barometro.
Una, mapapatunayang mali si Digong sa pagsasabing “weak leader” si PBBM — bagkus ay malinaw na strong leader siya -- kapag nairaos ng mister ni First Lady Liza Araneta Marcos ang termino hanggang 2028.
Ikalawa, maikukumpirma na “weak leader” si PBBM kapag hindi natapos ang kanyang termino — magbitiw, magkudeta o biglang magkasakit at mawala sa Malacanang bago mag-2028.
Sa ngayon, wala pang makakapagsabi kung isang weak o strong leader ang anak ni FEM, Sr.
Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.







Comments