top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Nakasandal lang daw kay Melai… JASON, AWANG-AWA SA SARILI

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 23, 2023
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | November 23, 2023



Nakakaranas pala ng anxiety ang mister ni Melai Cantiveros na si Jason Francisco kapag nakakabasa ng mga negative comments ng mga bashers.


Mula’t sapul kasi ay inaakusahan si Jason na user at nakaasa-nakasandal lang kay Melai. Hindi raw ito nagpupursigeng magtrabaho kaya si Melai ang tumatayong breadwinner ng kanilang pamilya.


Pero dinepensahan ni Melai ang kanyang mister na si Jason. Sa interview sa kanya ni Luis Manzano, nilinaw ni Melai na hindi totoong sa kanya lang umaasa si Jason. Hindi alam ng marami na kapag may raket o work ang mister niya ay sa kanya agad ibinibigay ang suweldo nito.


At pati ang bank account ni Melai ay nagde-deposit si Jason kapag siya ay may kinikita.


Medyo sensitive si Jason sa isyu ng pera. Nakakaramdam siya ng self-pity at insecurity kapag bina-bash ng mga netizens.


Proud naman si Melai Cantiveros kay Jason dahil nakikita niya kung paano ito nagsisikap upang itaguyod ang kanilang pamilya.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page