Nakaraan nila, nahalungkat… PIA, NAGPAABOT NG PAKIKIRAMAY KAY EX-PNOY
- BULGAR
- Jun 27, 2021
- 2 min read
ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | June 27, 2021

Maging si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ay nabigla sa pagpanaw ni former President Benigno "Noynoy" Aquino nitong nakaraang June 24 sa edad na 61.
“It’s really sad to hear the passing of former President Noynoy Aquino,” malungkot na bungad ni Pia.
Naalala pa ni Pia, sa isang panayam noon sa Tonight with Boy Abunda, inamin niya ang ilan sa mga untold stories sa kanilang tila naudlot na pagkakamabutihan ng dating pangulo.
Ayon kay Pia, nagpadala ng congratulatory flowers noon si ex-P-Noy kalakip ang isang handwritten letter bago siya sumabak sa Miss Universe pageant noong 2015.
“First time ko ire-reveal 'to actually. I didn’t even Instagram it or anything,” sambit ni Pia kay Kuya Boy.
Salaysay pa ni Pia sa naging panayam sa kanya noon, mataas aniya ang kanilang respeto sa isa’t isa ng dating pangulo na itinuturing niyang kaibigan.
“Ang pagkakakilala kasi niya sa akin is I don’t really reveal much about him. And I respect him in that way. And whatever I know about him, or whatever he knows about me is ‘yun na. But with regards to that, I really appreciate it. It was a sweet gesture. Even though we’re just friends and for some reason, he found out that I was waiting for a ‘Good luck,’ so he did.”
Nagpahatid din si Pia ng pasasalamat sa dating pangulo na naging malapit din niyang kaibigan para sa naging suporta nito sa kanyang karera bilang Miss Universe.
“I will always be thankful for his friendship and support in my journey as Miss Universe,” ani Pia.
Sa kanyang Instagram account, nagpaabot ng pakikiramay si Pia sa pamilya ng namayapang ex-President Benigno ‘Noynoy’ Aquino III.
“My heartfelt condolences to his family and loved ones in this time of grief,” bahagi ng post ni Pia sa Instagram Story.





Comments