Nakaligtas sa chopping block sina Louie at Lara sa The Apprentice
- BULGAR
- Mar 23, 2021
- 1 min read
ni MC - @Sports | March 23, 2021

Team Valor ang muling namayani sa ONE: The Apprentice first episode, ngunit nakaligtas sina Nazee, Alvin at MMA fighter Team Lakay member Lara Alvarez na masibak nang gisahin ni CEO Chatri Sityodtong.
Malaking sorpresa sa unang episode ng reality TV series na kinunan pa sa Singapore na isang non-elimination challenge at walang mage-empake.
Nagsimula na itong iere noong Huwebes ng gabi sa buong Southeast Asia, China at India kung saan pipili si Chatri sa 16 na kandidatong mga aplikante mula sa buong mundo kina Alvin Ang, Clinton Tudor, Eugene Chung, Irina Chadsey, Jessica Ramella, Joy Koh, Kexin Ye, Lara Pearl Alvarez, Louie Sangalang, Monica Millington, Nazee Sajedi, Niraj Puran Rao, Paulina Purnomowati, Roman Wilson, Sho Takei, at Teirra Kamolvattanavith para sa one-year, US$250,000 na job offer at maging protege ng ONE Championship big boss.
Sa unang physical challenge na relay race, binigyang diin ni boss Chatri na ibuhos ang lakas hindi lang pisikal, kundi maging mentally, emotionally at spiritually. Nagwagi rito ang team Valor.
Nagpakitang-gilas naman sa sumunod na business challenge ang dalawang magkatunggaling grupo ng Valor at Conquest. Puno ng drama ang tagisan ng talino at husay sa pag-iisip ang mga kandidato sa ilalim ng lider na si Nazee ng Team Conquest at Clinton ng Valor bilang project managers para sa strategy at implementation ng proyekto.
Inatasan ang teams na lumikha ang isang “ONE at Home” essentials kit, naglalaman ng isang bundle ng ONE Championship merchandise para sa fans. Lilikha rin ang bawat team ng marketing plan na aaprubahan nina Chatri at kanang-kamay na si Niharika Singh. Dito nakalamang ang team Conquest.





Comments