top of page

Nakakasuka ang 2022 elections, COVID-19 fund ang puhunan ng mga kandidato tsk!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 12, 2021
  • 2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | April 12, 2021



Hanggang kahapon ng tanghali, hindi pa rin nagpapakita si P-Digong.


Hindi pa rin bumabalik mula sa Singapore si Mayor Inday.


Huh, taguan-pong!


◘◘◘


MAKAKARAOS nang bakunahan ang lahat ng Kano ngayong Mayo.


Kapag nagkagayon ay saka pa lang, puwedeng i-export sa ibang bansa ang Pfizer, Moderna at Janssen.


'Yan ang aktuwal na kahulugan ng sakim!


◘◘◘


TALIWAS sa U.S., aktuwal na nakatikim ang Pilipinas at iba pang bansa ng Sinovac na bakuna mula sa China.


Aktuwal na daig ng diplomasya ng Tsino ang mga Kano!


◘◘◘


BILANG depensa sa U.S., ipinalulutang ng mga espiya ng Kano at makapili ang pananakop ng China sa West Philippine Sea. Pinamimili ang Pinoy: Bahura o bakuna?


◘◘◘


LUMALAKI ang bilang ng nagpopositibo at namamatay sa COVID-19 sa nagdaraang araw.


Pero, huwag ka, batay mismo sa datos at official statement ng DOH—bumababa nang todo ang transmission rate ng COVID-19. Mula 1.8 percent, 1.2 percent na lang!


◘◘◘


NATUTUTO na sa paglalabas ng impormasyon ang DOH.


Iniwanan na nila ang “modus” ng pananakot at paghahasik ng panic sa publiko!


◘◘◘


MAYORYA ng mga lalawigan at geographical areas sa Pilipinas ay halos walang COVID-19.


Mayorya ng populasyon sa Pilipinas ay hindi na nagsusuot ng facemask at face shield. Punta kayo sa mga lalawigan!


◘◘◘


NAKAPOKUS na lang sa iilang lugar ang inaatake ng virus.


Normal 'yan tulad sa atake ng sugat sa katawan.


Bago gumaling ang sugat, nagkukumpul-kumpol ang nana o bakterya sa iisang sulok lamang.


Senyales na malapit nang makarekober ang biktima!


◘◘◘


HINDI ipinaparalisa ang buong katawan kapag ilang bahagi lang ang may sugat.


Ganyan din sa COVID-19, hindi dapat ipinaparalisa ang ekonomiya—kapag iilang lugar lang ang may COVID-19!


◘◘◘


MALI ang disposisyon ng mga political leaders.


Nagkakamal kasi sila sa inilalabas na ayuda.


Ang mga buwitre ay nagpipiyesta sa inuuod na katawan ng kanilang biktima!


◘◘◘


MARAMING incumbent officials ang sorpresang matatalo sa eleksiyon kahit mamili ng boto.


Ang gagamitin kasi sa vote buying ay “COVID-19 money”.


Nakakasuka ang 2022 election—COVID-19 fund ang campaign fund ng mga buwitre sa pamahalaan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page