Nakakasama na raw noon pa… HERBERT, MATAGAL NANG KILALA ANG FIANCE NI KRIS
ni Nitz Miralles - @Bida | November 12, 2021

“Achiever” ang description ni Herbert Bautista kay Mel Sarmiento, ang fiancé ni Kris Aquino at marami na itong posisyon sa gobyerno bago pa nakilala si Kris.
Kilala raw niya si Mel at nakasama niya sa mga government function noong mayor pa siya ng Quezon City.
Nang makausap ng media si Herbert, hindi pa niya alam na ikakasal na sina Kris at Mel, hindi na rin siya hiningan ng comment ng mga reporters para walang isyu.
And speaking of Herbert, sa pagtakbo niyang senador, on hold muna ang showbiz career niya.
Hindi na siya kasama sa regular cast kapag nagka-Season 2 ang Puto sa TV5 at hindi na rin matutuloy ang plano niyang magkaroon ng TV adaptation ang ilang hit movies niya.
Talo siya ng kanyang mga anak dahil si Reese Bautista, kasama sa cast ng movie nina Bea Alonzo at Alden Richards. Ang anak niyang si Harvey ay kasama naman sa cast ng series nina Piolo Pascual at Lovi Poe sa ABS-CBN.





Comments