Naka-move on na kay Xian… KIM, PANAY ANG 'CHANCING' KAY PAULO
Updated: Mar 13, 2024
ni Janiz Navida @Showbiz Special | March 12, 2024

True pala na may fan base na rin ang tambalang Kim Chiu at Paulo Avelino na unang nagtambal sa Prime Video series na Linlang.
Personal kasi naming nasaksihan ang kilig at tilian ng mga fans sa ginanap na mediacon ng bagong project na pagtatambalan nina Kim at Paulo, ang Pinoy adaptation ng Korean series na What's Wrong with Secretary Kim na magsisimula nang mapanood sa Viu streaming app sa March 18.
Ang lakas ng tilian ng fans nang aminin ni Paulo sa mediacon na tinanggap lang niya ang role sa What's Wrong with Sec. Kim dahil kay Kim Chiu, at kung iba raw ang makaka-partner niya, baka umatras siya.
Hindi rin naman nakaligtas sa mapanuring mata ng mga fans ang pagiging "touchy" ni Kim at madalas na paghawak (Uy, chancing! Hehe!) with matching hampas na may kasamang love and care (love and care raw, oh!) kay Paulo na idinadaan lang si Kim sa pangiti-ngiti.
Well, too early to tell pa kung mauuwi nga sa totohanan ang "love and care" nila ngayon para sa isa't isa dahil sabi nga ni Paulo, inihihiwalay niya ang trabaho sa personal life.
Although inamin niyang gusto niya ang ilang ugali ni Kim tulad ng pagiging mabilis nitong kumilos at professional sa trabaho.
Si Kim din daw ang nagdadala ng saya at high energy sa set ng What's Wrong with Secretary Kim kaya nahahawa na rin silang lahat para maging good vibes lagi.
Hmmm, there's a saying na: "Constant togetherness develops love," so, sabay-sabay na lang tayong manood (at makiramdam-makiamoy) ng What's Wrong with Secretary Kim sa Viu streaming app starting March 18 para maging updated kung mauuwi nga ba sa totohanan ang pakilig nina Paulo at Kim.
Kasama rin sa powerhouse cast ng Dreamscape series sina Ms. Janice de Belen, Romnick Sarmenta, Franco Laurel, Pepe Herrera, Angeline Quinto, Gillian Vicencio, Cai Cortez, Kat Galang among others.
Mag-Netflix, TikTok, etc. na lang daw…
PRESYON NG MOVIE TIKET, IMPOSIBLE NANG MAPABABA

Bago ang ginanap na grand celebration ng 70th Anniversary ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. nu'ng Sabado nang gabi sa SMX Convention sa Pasay City, nagkaroon muna ng coffeetable book launching ang FFCCCII nu'ng Biyernes sa opisina nito sa Binondo, Manila.
Present that day ang mga members ng organisasyon sa pamumuno ni Dr. Cecilio K. Pedro na tumatayong president.
Proud ang mga bumubuo sa FFCCCII for coming up with a coffeetable book na naglalaman ng mga advocacy projects ng samahan tulad ng pagsaklolo nila sa mga biktima ng typhoon, sunog at iba pang kalamidad.
Sa 70 yrs. ng FFCCCII, marami na silang naging kontribusyon sa bansa na mababasa sa coffeetable book na available na ngayon sa market.
Laging bukas ang FFCCCII sa pagtulong sa ating mga kababayan, hindi lang sa mga Fil-Chinese, at nag-pledge sila na sa kanilang 70th anniversary, ipagpapatuloy pa nila ang kanilang mga charities para mas marami pang matulungan.
Kaya naman tinanong namin si Dr. Cecilio Pedro kung may paraan din kaya para matulungan nila ang movie industry na mapababa ang ticket prices sa mga sinehan since karamihan naman sa mga theater owners ay Chinese businessmen, 'di ba?
But frankly speaking, naniniwala si Dr. Pedro na imposible nang mapababa pa ang presyo ng movie ticket and instead, nagbigay siya ng option na puwede namang maging form of entertainment which is very in at accepted na rin naman ngayon tulad ng Netflix, TikTok, YouTube at iba pang streaming app.
May point naman si Dr. Pedro lalo't nagbabago talaga ang panahon, pero siyempre, nakakalungkot din kung tuluyan nang mawawala ang mga sinehan kapag nagpatuloy na tumaas ang presyo ng tiket at hindi na ma-afford lalo na ng mga kulang na kulang ang sahod.
Malungkot na katotohanan.





Comments