top of page
TALKIES - VICE, HUMUGOT SA HIRAP NG BUHAY SA ‘PINAS_FB Vice Ganda.jpeg

Naka-move on na… HARVEY, NAGSALITA NA SA PAGIGING THIRD PARTY DAW NI MICHAEL SA BREAKUP NILA NI AC

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | August 31, 2026



BULGARY - HARVEY, NAGSALITA NA SA PAGIGING THIRD PARTY DAW NI MICHAEL SA BREAKUP NILA NI AC_IG _hrvbtsta & _acbonifacio _michaelsager

Photo: IG _hrvbtsta & _acbonifacio _michaelsager



Mukhang naka-move on na si Harvey Bautista sa naging hiwalayan nila ni AC Bonifacio at sa ngayon ay career muna ang kanyang prayoridad.


“Sa ngayon, ‘di muna [love life]. I want to focus on my career and getting my name as an actor and I want to make sure I do a good job,” pahayag ni Harvey.


Nang tanungin kung naka-move on na siya sa kanilang breakup ni AC, simple lang ang sagot ni Harvey, “Yes na lang.”


Samantala, nilinaw din ng aktor na walang kinalaman si Michael Sager sa paghihiwalay nila ni AC, matapos muling umugong ang mga espekulasyon tungkol dito.


Nauna nang nilinaw ni AC sa isang panayam kay Boy Abunda na hindi sangkot si Michael sa kanilang breakup.


“He is not [involved]. I get the confusion, online can get hectic. There is no involvement,” paglilinaw ni Harvey.





Belle, naunahan ka pa… DONNY, INIMBITAHAN SI LIZA SA BAGONG BUKAS NA RESTO



INIINTRIGA ngayon sina Donny Pangilinan at Liza Soberano dahil sa sunud-sunod nilang pagkikita nitong mga nakaraang araw.


Kabilang si Donny sa mga artistang dumalo at nagpakita ng suporta sa advance screening ng DreamWorks animated film na Forgotten Island (FI) ni Liza noong Martes sa SM Mall of Asia (MOA). Tampok sa pelikula ang boses ni Liza at ng Grammy-winning Fil-Am artist na si H.E.R. bilang mga pangunahing bida.

Kinabukasan naman, nakita si Liza sa soon-to-open na Analog MNL restobar ni Donny.


Gayunman, hindi naman nag-iisa si Liza nang bumisita sa aktor dahil kasama niya sina Anne Curtis, Isabelle Daza, Solenn Heussaff, Liz Uy at Georgina Wilson. Iniulat ding inimbitahan ni Donny ang mga ito upang maranasan ang ambiance, food at drinks ng kanyang bagong negosyo.


Dahil dito, may ilang netizens na agad na nagbigay ng kulay sa magkasunod na pagkikita nina Liza at Donny. May ilan ding nagbiro na naunahan pa raw ng aktres si Belle Mariano na makita ang bagong ‘baby’ ni Donny — ang kanyang negosyo.


Mas naging kapansin-pansin ang intrigang ito dahil kamakailan lamang ay inanunsiyo nina Donny at Belle na ang Tayo Sa Wakas (TSW) ang kanilang huling proyekto bilang love team, bagama’t hindi naman nangangahulugang wala na silang posibilidad na muling magsama sa hinaharap.


Gayunman, walang kumpirmasyon na nililigawan ni Donny si Liza. Sa halip, naniniwala ang ilang tagahanga ng aktor na maaaring may iba lamang itong pinaghahandaan kasama ang aktres, gaya ng isang proyekto.





Super-arte raw…  MOIRA, PINASIGAW SA IT’S SHOWTIME, NAUBOS ANG ENERGY, CONCERT, SI OGIE NA ANG NAG-PROMOTE



NAGING usap-usapan sa social media si Moira Dela Torre matapos ang kanyang guesting sa It’s Showtime (IS) noong birthday celebration ni Ogie Alcasid.


Nag-duet sina Moira at Ogie sa programa, ngunit ang naging sentro ng atensiyon ay ang hamon sa singer na isigaw ang “What’s up, madlang people!”


Dahil soft-spoken at hindi sanay sumigaw, ilang sandali munang bumuwelo at huminga nang malalim si Moira bago tuluyang binati ang audience. Dahil dito, may ilang netizens na bumatikos kay Moira at tinawag siyang ‘pabebe’ at ‘maarte’. 

Sey ng mga netizens…


“Mas harsh kami. P*tang in* ni Moira, napakaarte.”

“‘Di ko rin kasi gets si Moira kung bakit ganyan s’ya umarte, ilang taon na ‘yan humaharap sa mga TV guesting and concerts, kaya ‘di tayo naniniwala na ‘di pa sanay sa tao ‘yan at introvert kuno kaya ganyan. ‘Yung way ng pananalita at kilos n’ya, mao-off ka talaga kasi sobrang arte.”


“Mag-treinta anyos na lang, ganyan pa rin umasta.”

“Napakaarte n’ya talaga kaya nawala sa limelight.”

“Nakakairita naman kasi sobra.”


Meron namang mga netizens na dumepensa sa singer at sinabing maaaring ganoon lamang talaga ang kanyang personalidad at pagiging mahiyain.


Sa kabilang banda, hindi lamang ang pagbati ng singer ang naging isyu. Dahil tila naubos ang kanyang energy sa pagsigaw, si Ogie na mismo ang nag-promote ng kanyang paparating na concert sa SM Mall of Asia (MOA) sa Oktubre 4.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page