top of page

Naka-cap at face mask, nakilala pa rin… KATHRYN AT ALDEN, NAG-DATE NA NAMAN SA BGC

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 27, 2024
  • 1 min read

ni Nitz Miralles @Bida | May 27, 2024


Showbiz News
Kathden_officialfansclub / IG

Kasusulat pa lang namin na ni-like ni Kathryn Bernardo ang dance post ni Jericho Rosales sa Instagram na ikinatuwa ng mga shippers nila at ikinabahala ng KathDen fans nina Kathryn at Alden Richards, heto at may pambawi agad ang KathDen.


Spotted noong May 25 sa BGC sina Kathryn at Alden. Nag-date raw ang dalawa at baka na-miss ni Alden si Kathryn. Galing sa Thailand ang aktres for an endorsement shoot at ilang araw din ‘yun. 


Sa nakita naming larawan, nasa escalator ang dalawa, pababa sila sa kung saanman sila galing.


Hindi rin nabanggit kung saang mall sa BGC (Bonifacio Global City) pumunta sina Alden at Kathryn na kasama ang beshie ng aktres na si Alora Sasam. 


Sa mga gustong malaman kung saan sa BGC pumunta sina Alden at Kathryn at kung ano ang ginawa, si Alora ang tanungin ninyo.


Makikita rin sa nag-leak na photo na parehong may suot na cap at face mask sina Alden at Kathryn. Nakatungo pa nga sila, pero nakilala pa rin at kinunan ng candid shot. Hindi siguro alam ng dalawa na may kumuha ng picture nila. 


Dahil hindi sila holding hands sa picture, ang dating sa mga fans, wala pa silang relasyon.


Paano pala kung nagkahiyaan lang silang mag-holding hands? Hindi natin alam. 


At paano kung nag-holding hands na pala sila earlier? Kaya gusto ng mga fans na magsimula na ang shooting ng Hello, Love, Again para laging magkasama sina Kathryn at Alden.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page