Naka-bonding sa private resort niya…WILLIE, IBINUKING NA SUPER-LAKI NG IPINAGBAGO NI JOHN LLOYD
DAHIL SA PANDEMIC
ni Nitz Miralles - @Bida | May 21, 2021

Kasama rin pala nina Willie Revillame, Direk Bobot Mortiz, Sam Verzosa at John Lloyd Cruz sa beach property ng Wowowin host sa Puerto Galera sina Malou Santos at Director Cathy Garcia-Molina. Kaya may mga nag-akalang ipo-produce ni Willie at ng Frontrow nina Sam at R.S. Francisco ang comeback movie ni John Lloyd.
Comment pa ng netizen, si Ms. Malou ang magiging in-charge sa production at si Cathy ang director. May naniwala namang baka gawing isa sa mga location ng reunion movie nina John Lloyd at Bea Alonzo ang Wil’s Cove, ang property ni Willie sa Puerto Galera.
Anyway, sa mga ipinost na larawan ni Direk Bobot habang nasa Wil’s Cove sila, makikitang malawak ang property ni Willie, puwede ngang gawing location ng shooting o locked-in taping. May speedboat at helicopter pa kaming nakita na sinakyan nina Direk Bobot at Sam at pati na siguro nina John Lloyd, Direk Cathy at Ms. Malou.
Sa kanyang show na Tutok to Win, nabanggit ni Willie na nagkausap sila ni John Lloyd at sabi nito, ang laki ng ipinagbago ng priority ng aktor dahil sa pandemic. Pero ang tanong pa rin, ano ang rason ng pagkikita-kita sa Puerto Galera ng mga nabanggit?





Comments