Naka-aircon, pero pinagpawisan… DINA, PINARAMDAMAN NG NAMATAY NA MISTER
- BULGAR

- 2 days ago
- 3 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | June 22, 2026

Photo: IG _dinabonnevie
Aminado si Dina Bonnevie na nang mabasa niya ang script ng pelikulang 40 Days ay tinanong niya sa sarili kung kaya ba niya itong gawin.
“Kasi, about death. Parang masyado pang fresh. Tapos ‘yung mga eksenang nababasa ko na nandu’n ‘yung coffin, parang sabi ko, ‘Oh, my God, baka mag-breakdown ako kasi parang ang sariwa pa, parang kamamatay lang ng asawa ko,’” sey ng aktres sa mediacon na ginanap para sa pelikula kamakailan.
Tumatalakay kasi ang movie sa pagkamatay ng 90-year-old matriarch na si Dolores Castro at pagluluksa ng kanyang pamilya sa loob ng 40 days habang magkakasama sa kanilang ancestral home. Dito ay maraming sikretong mabubulgar at mga katotohanang lilitaw sa likod ng pagpanaw nito.
Pinaniniwalaan kasi sa Pilipinas na habang wala pang 40 days ang isang pumanaw ay naririto pa rin siya sa lupa at hindi pa nakakaakyat sa langit.
Pero ayon kay Miss D, bilang isang Christian ay hindi raw ganito ang kanilang paniniwala.
“Kami, as a Christian, we believe na when you die, you go up to heaven na kaagad. ‘Di ba? Parang you’re in Jesus. Especially if you received the Lord God as your saviour, when you die, nandu’n ka na kay Jesus,” aniya.
Pero aminado naman siya na before the 40th day ng pagkamatay ng kanyang asawang si DV Savellano noong 2025, naramdaman din daw niya na parang nandito pa ang mister.
“Wala kang nakikita but you feel that he’s around. Sometimes, umiiyak ako and then you’ll suddenly feel na parang may yumakap sa ‘yo nang mainit na mainit, and then you’re wondering bakit bigla akong pinagpapawisan, na naka-aircon naman, pero parang somebody’s hugging you so tight, so I know it’s him,” kuwento ni Dina.
Pero excited din ang aktres na gawin ang pelikula dahil first time niyang makakatrabaho sina Elizabeth Oropesa at Lotlot de Leon na, just like her ay kagagaling lang sa pagluluksa nang mamatay ang ina nitong si Superstar at National Artist Nora Aunor last year.
“Iniisip ko, pareho kami ni Lotlot na bago lang namatayan, ano kaya’ng feeling ni Lot ‘pag ginawa namin ‘yung eksena? Parang du’n ako excited,” sey niya.
Excited din daw siya na makatrabaho si Direk Louie Ignacio, na siyang direktor ng pelikula, dahil first time raw niyang makatrabaho ito.
Magsisimula nang mag-shoot ang movie ngayong Lunes, at kasama rin dito sina Snooky, Lloyd Samartino, Perla Bautista at Ricardo Cepeda. Joining them are the newest stars of LVD Management Corp. na sina Diego Gutierrez, Jayson David, Yvonne Asher at Francheska.
‘Yun na lang ang kulang…
ALDEN, TODO-KAYOD PARA SA PAG-AASAWA
TODO-KAYOD si Alden Richards ngayon dahil bukod nga sa kanyang mga kabi-kabilang projects at endorsements, may mga negosyo pa siyang imina-manage. Kaya naman marami ang nagtatanong kung bakit nga ba nagpapayaman nang husto ang aktor.
Sa panayam sa 24-Oras, ipinaliwanag niya na sinasamantala lang niya ang pagkakataon pero inamin din niyang paghahanda na rin ito para sa kanyang pag-aasawa.
“I think, ito ‘yung tamang moment to seize the moment and take every opportunity that presents itself.
“Kasi medyo nandu’n na tayo sa securing the safety nets, eh. Para eventually, you know, ‘pag may point na or there would come a point na kailangan ko nang mag-settle down, ready na tayo,” pahayag ni Alden.
Sobrang busy nga ngayon ng aktor dahil lagare siya sa dalawang serye na kanyang ginagawa, ang Love, Siargao (LS) with Nadine Lustre na magsisimula ngayong June 26 at ang medical drama na Code Gray (CG) na this year din ipapalabas.
Sa ngayon ay love life na lang talaga ang kulang sa aktor at hopefully ay matagpuan na niya ang tamang babae para sa kanya.





Comments