top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Naisip agad ang career ng anak… REY PJ, NATAMEME NANG MALAMANG IKAKASAL NA SI CARLA KAY TOM

  • BULGAR
  • Mar 25, 2021
  • 1 min read

Erlinida Rapadas - @Teka Nga! | March 25, 2021




Isa pala ang veteran actress na si Coney Reyes sa mga unang napagtapatan ni Carla Abellana tungkol sa naganap nilang engagement ni Tom Rodriguez noong Oct. 18, 2020.

Naging malapit sa isa't isa sina Carla at Coney nang magkasama sila sa katatapos na seryeng Love of My Life. Ipinagkatiwala ni Carla kay Coney ang kanilang sikreto ni Tom.


Bukod sa immediate family, may ilang kaibigan din nila ni Tom ang nakakaalam sa naganap na engagement. At naitago naman ang lahat bago nag-decide sina Carla at Tom na i-announce na sa publiko na sila ay engaged na.


Ayon pa kay Carla, speechless at hindi agad nakapagsalita ang kanyang dad na si Rey "PJ" Abellana nang malaman na engaged na sila ni Tom. Ang naitanong lang nito kay Carla ay kung walang conflict at magiging problema sa contract niya sa GMA-7 sakaling magpakasal na sila ni Tom.


Bilang ama, hangad ni Rey "PJ" ang kaligayahan ng anak. Nakikita naman niyang masaya si Carla kaya boto siya kay Tom bilang manugang.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page