Nainggit kina Alice, Dra. Belo at Assunta… AI AI, MAGPAPASAKLOLO NA SA SIYENSIYA MAGKA-BABY LANG SA
MISTER
Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | May 09, 2021

Mukhang naeengganyo na rin ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas na mag-try ng IVF (in vitro fertilization) method para magkaanak sila ni Gerald Sibayan.
Malalaki na ang mga anak ni Ai Ai at siyempre, gusto rin naman niyang magkaroon sila ni Gerald ng little angel na aalagaan.
Nakita niya kung gaano kasaya sina Dra. Vicki Belo, Alice Dixson at Assunta de Rossi nang magkaroon ng baby.
Noong una ay ayaw na sana ni Ai Ai na mag-anak pa sila ni Gerald. Nag-aalala kasi siya para sa health ng magiging baby niya dahil may-edad na siya.
Pero, dahil moderno na ngayon ang ginagamit na method sa IVF, napapayag na rin siya. Suportado naman si Ai Ai ng kanyang mister na si Gerald at maging ng kanyang mga anak.
At this point of her life, hindi na kailangan ni Ai Ai na magkumahog pa nang husto sa pagtatrabaho. Matatag na ang kanyang career. Nakapag-invest na rin siya para sa kanilang future.
Happy ang kanyang married life at katuwang niya si Gerald sa lahat ng aspeto ng kanyang buhay. Isa siyang natatanging ina at asawa!





Comments