Search
  • BULGAR

Nainggit kay Alice na nagkaanak pa… ZSA ZSA, NAGPAKONSULTA NA RIN SA OB-GYNE

Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | May 04, 2021




Hindi agad sasabak sa locked-in taping ng Legal Wives si Alice Dixson kahit nakabalik na siya ng 'Pinas. Kasalukuyan pa silang naka-quarantine ng kanyang baby sa isang hotel.


Mauuna munang magteyping sina Dennis Trillo, Andrea Torres at Bianca Umali. Third week of May pa naka-schedule mag-report sa locked-in taping si Alice.


Two months old pa lang ang baby na iniuwi ni Alice kaya marami ang nagtatanong kung isasama ba niya sa taping ang anak? For sure, hindi naman basta iiwanan at ipagkakatiwala ni Alice sa isang yaya ang kanyang anak.


Samantala, marami nang artista ang gustong gayahin ang ginawa ni Alice Dixson na naghanap ng surrogate mom para sa kanyang anak. Sa edad ngayon ni Alice, hindi na niya kakayanin pa ang magbuntis.


Si Zsa Zsa Padilla, mukhang gusto na ring subukan ang ginawa ni Alice kaya isasabay niya sa kanyang checkup sa USA ang pakikipagkita sa isang OB-Gyne.


May health problem si Zsa Zsa kaya nahihirapan na kung magbubuntis siya. Kaya, surrogate mom ang solusyon dito.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.