Naimpluwensiyahan ni Mayor Isko... XIAN, GUSTO NA RING MAG-MAYOR
- BULGAR
- Jun 20, 2021
- 3 min read
ni Julie Bonifacio - @Winner | June 20, 2021

Tagumpay si Xian Lim na mapapayag si Mayor Isko Moreno na samahan siyang mag-TikTok sa una nilang pagkikita sa Manila City Hall last Thursday.
Pinasok na rin ni Xian ang pagti-TikTok gaya ng girlfriend niyang si Kim Chiu. Pero itinanggi ng tsinitong aktor na na-influence siya ni Kim sa pagti-TikTok.
“Nakakatuwa kasi ang dami na ring nagti-TikTok and nag-iiba ang panahon, eh. Nag-iiba ang media. Nag-iiba ‘yung entertainment industry natin. Nag-iiba ‘yung platform. I think this a way to reach people. Siyempre, lalo na ngayon na medyo limited,” paliwanag ni Xian sa shooting ng Yorme directed by Joven Tan.
Sakto naman ang pagsasayaw ni Xian sa TikTok dahil nagamit niya ang kanyang dance moves sa shooting ng biopic ni Mayor Isko na Yorme.
“Ay, may makikita rin po kayo na konting pagsasayaw. Nasimulan ko na ‘yan sa pagti-TikTok ko. So, sana, sundan n’yo rin ang TikTok ko. Hahaha! Makikita ninyo ang dance moves ko po,” sabi ni Xian.
Nag-anyaya rin si Xian na i-follow naman siya sa TikTok.
“Sundan n’yo naman ang TikTok ko, Awkward Chinito po. Bumabagets na po tayo ngayon,” sabay tawa.
Bago pa sila magkita ni Mayor Isko sa Bulwagang Antonio J. Villegas sa Manila City Hall, plano na ni Xian na pagsayawin ito sa TikTok niya. Hindi naman siya binigo ni Mayor Isko at talagang nakisabay siya ng sayawan with Xian.
Musical-drama kasi ang genre ng Yorme kaya hindi lang pagsasayaw ang ginawa ni Xian sa movie, kumanta rin siya na all-original ang songs na ginamit.
“Well, si Direk Joven naman po kasi, marami po siyang na-compose na magagandang kanta. I believe ‘yung couple of songs ni Ice Seguerra, si Direk Joven ang nagsulat at nag-compose. So, they would give me the song beforehand. Siyempre, aaralin mo, ire-record namin. And after the recording, dadalhin sa shooting namin.”
Inaral daw talaga ni Xian ang mga nakasulat sa script para sa paghahanda sa kanyang role bilang si Mayor Isko sa Yorme.
“‘Yung mga moments, mga ups and downs ni Mayor Isko ay ipinakita sa akin. At siyempre, sariling research na rin po ng karakter dahil may ipino-portray po tayo na isang importanteng tao. Hindi naman ito basta, o dalhin mo lang ang sarili mo, tapos umarte ka. So, ‘yun po.”
Tinanong namin si Xian kung saang bahagi ng pagganap niya sa Yorme siya pinakanahirapan.
Aniya, “I think ‘yung punto ni Yorme. Meron siyang punto, eh, kung paano siya magsalita.”
Para magaya ang punto ni Mayor Isko, nanood daw siya ng maraming videos nito.
Dahil sa pagganap ni Xian bilang Mayor Isko sa Yorme, hindi raw imposible na maging mayor din siya in the future.
Aniya pa, “Sana! Hahaha! Kung mabibigyan ng pagkakataon, ang saya po noon.”
Pag-amin pa ni Xian, open daw siya sa ideya na pasukin din ang pulitika balang-araw.
“Of course. I think to be an inspiration to many and to be able to create change. I think if there’s anything na napulot ko rito sa proyekto na ito, it’s the ability to inspire and change,” pahayag pa ni Xian.
Ang Yorme ay ipinrodyus ng Saranggola Media Productions.
Two shooting days na lang daw at tapos nang i-shoot ang movie at ayon kay Ms. Edith Fider ng Saranggola Media Productions, inabot sila ng dalawang taon para gawin ang Yorme.
Bukod kay Xian, gaganap din sa biopic ni Mayor Isko sina McCoy de Leon, Janno Gibbs, Jestoni Alarcon at marami pang iba.





Comments