top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Nahiya raw kay Robin na tatay ni Kylie… JERIC, KINOMPRONTA SI ALJUR DAHIL KAY AJ

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 29, 2021
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | October 29, 2021





Kinompronta pala ng action star na si Jeric Raval si Aljur Abrenica nang malamang nanliligaw ito sa anak niyang si AJ Raval.


Diretsahang tinanong nito si Aljur kung hiwalay na sa kanyang asawang si Kylie Padilla.


Ayaw daw ni Jeric na may masabi si Robin Padilla na kinukunsinti niya ang relasyon ng kanyang anak kay Aljur.


Sinagot naman daw ni Aljur na hiwalay na sila ni Kylie at sinsero siya sa kanyang panliligaw kay AJ.


Well, ayon kay Jeric Raval, parehong nasa tamang edad na sina AJ at Aljur at ayaw niyang makialam sa usaping-pag-ibig ng kanyang anak. Alam na ni AJ ang tama at mali para sa kanya.


Bilang ama, ayaw ni Jeric na maakusahang kabit ang kanyang anak na si AJ. Gusto niyang makatagpo ito ng lalaking walang sabit upang hindi siya magkaproblema.


At kahit pa sinabi ni Kylie na malaya na si Aljur at hangad niyang lumigaya ang nakahiwalay na asawa, kasal pa rin sila at hindi puwedeng magpakasal sa iba ang aktor hangga't hindi annulled ang kanilang kasal ni Kylie.


Ang tanong naman ng mga netizens ngayon, paano makakatiyak si AJ Raval na magiging faithful sa kanya si Aljur at hindi matutulad sa kapalaran ni Kylie Padilla?


Mababago ba niya ang pagiging babaero ni Aljur Abrenica? Susugalan ba niya si Aljur?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page