top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Nahawa raw kay Robin, mga anak, nadamay din… MARIEL, IBINULGAR ANG SAKIT KAYA 2 WEEKS NAWALA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 1, 2020
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | October 1, 2020




After two weeks, nag-live na ulit si Mariel Rodriguez-Padilla sa kanyang Cooking Ina online show na napapanood sa Facebook page niya.


Obvious na na-miss ni Mariel ang kanyang cooking show kaya umaatikabong energy at tsikahan na naman ang na-enjoy ng mga viewers sa panonood sa kanya kahapon.


Kamakailan ay may lumabas na balitang may sakit ang buong pamilya ni Robin Padilla dulot ng flu virus, pero ang inisip ng ilang netizens ay COVID ito.


Habang nagluluto ay ikinuwento ni Mariel ang dahilan ng pagkakasakit niya.


"So, nakita n'yo naman, okey na ako. Wala akong sakit ngayon. Kasi, nagkaroon kami ng sakit. Pero hindi 'yung napapanood ninyo, 'yung kumakalat na fake news, ha? Dahil may fake news na kumakalat, naku, 'kalokah! Hindi ganu'n," diin ni Mariel.


Nagkaroon nga raw sila ng flu ng kanyang mga anak, pero nagpasalamat siya sa mga nagdasal, nagpadala ng pagmamahal at pagke-care sa kanila dahil okey na raw sila ngayon.


Dahil ang bilis-bilis tsumika ni Mariel sa show, nakaka-six minutes pa lang siyang nag-i-spiel, eh, bigla na siyang muntik masuka o tila may bumara sa kanyang lalamunan na kung ano. Bigla namang nag-alala ang kanyang hubby na si Robin na siyang videographer ni Mariel.


"O, ano'ng nangyari? Ano'ng nangyari," sabay focus ni Robin ng kamera sa mukha niya.


"May bahid pa ng sakit," kasunod ang pag-inom ng tubig ni Mariel.


Pagkatapos, tinanong ni Robin si Mariel habang kinukunan niya ng kamera.


"Ano ba'ng nangyari sa 'yo nu'ng nagkasakit ka?" tanong ni Robin.


Simula ni Mariel, naging isyu kasi ang paggamit niya ng nebulizer.


"Kasi, may hika po ako. Meron po akong hika dahil sa pusa. Hindi, loko lang," sabay tawa ni Mariel.


Kapagkuwan ay nagseryoso na siya, "Meron akong hika. Hinihika ako. So, 'yung ubo ko, sumabay. So, 'pag inuubo ako, mas nahihirapan ako kasi nga, may hika. So, 'yung nebulizer, nakatulong 'yun," naputol na kuwento ni Mariel.


Kasunod nito ang kuwento nilang si Robin pala ang unang nagkaroon ng ubo, tapos nahawa na rin si Isabella na panganay nilang anak na naghatsing-hatsing na rin. May allergic rhinitis pala ito na namana naman daw kay Mariel.


Patuloy ni Mariel, "Tapos one night, parang mainit na siya. So, alam mo, 'yan pala ang pinakamahirap 'pag ang anak mo 'yung may sakit. Napakahirap!"


Hindi raw siya makatulog sa gabi dahil tsek siya nang tsek ng temperature ni Isabella. At kahit inihiwalay na raw niya si Isabella sa bunso nila ni Robin na si Gabriella, nahawa pa rin ito.


Kaya lalo raw siyang na-tense dahil tatlo na silang mag-iina na inuubo, though wala namang lagnat si Mariel. Pero, mabuti na lang daw at magaling na sila ngayon.


Towards the end ng FB Live ni Mariel, tinanong niya si Robin kung ano ang masasabi sa mga nagpakalat na may COVID-19 ang buo nilang pamilya.


"Eh, ganu'n talaga," sabay kibit-balikat ni Robin.

"Sana sumaya kayo," mensahe pa ng aktor habang kinakain ang luto ni Mariel.

"Wala tayong magagawa," say pa ni Robin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page