top of page

Nahahati ang mga maka-Marcos ngayon, isang maka-PBBM at isang maka-Imee

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 13 hours ago
  • 2 min read

ni Ka Ambo @Bistado | December 1, 2025



Bistado ni Ka Ambo


Disyembre na.

Nagsimula na ang Adviento.

Sinimulan ito sa pakikisawsaw sa maruming pulitika.

-----$$$---

DAPAT ay umiiwas ang mga religious leader sa mga tunggaliang pampulitika.

‘Pag nagbatikusan, madadamay ang kanilang “diyos”.

-----$$$--

BIGLANG sumigla ang maka-KALIWANG grupo.

Huh, nagka-BADYET!

-----$$$--

NAGSAULI ng cash ang dalawang dating DPWH executives na sabit sa flood control projects scandal.

Malinaw na “ligtas” ang malaking bahagi ng kanilang kulimbat.

----$$$--

PINAGDEDEBATEHAN ang P500 budget na pang-Noche Buwena.

Kasya naman ‘yan.

Kasya ‘yan sa “pamasahe sa bus” — patungo sa mga kamag-anak, doon na lang sila makiki-Noche Buena — libre pang alak!

----$$$---

MARAMING gabinete ni PBBM ay hindi kuwalipikado — at walang maitutulong sa kanya.

Ipapahamak lang si PBBM — dahil sa rekomendado ng mga padrino.

-----$$$--

KILALA si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. bilang isang matalino at bar topnotcher.

Pero, sa kabila ng likas na talino, binuo pa rin ni FEM ang Presidential Center for Special Studies (PCSS) na nag-opisina sa Malacanang library.

-----$$$--

OPO, hinugot ni FEM ang pinakamatatalino sa pinakamahuhusay na ehekutibo sa akademya at pribadong sektor para maging consultant sa PCSS.

Kasama rito ang yumaong si Solicitor General Estelito Mendoza.

-----$$$---

PINASIGLA at suportado ni FEM ang Development Academy of the Philippines (DAP) upang mahasa nang todo ang mga career executives at rank-and-file katuwang ang Civil Service Commission (CSC).

Mayroon bang ganyang diskarte si PBBM?

-----$$$--

PAGKAUPONG pagkaupo ni FEM sa Malacanang binuo agad niya ang Presidential Arm for Community Development (PACD) upang makaabot ang serbisyo sa pinakasuluk-sulukang lugar ng Pilipinas.

Pinamunuan ito ng batambatang si Ernesto Maceda.

-----$$$--

NGAYON, sino ang maituturo nating matalino sa gabinete ni PBBM, maliban kay Gibo Teodoro?

Wala po!

-----$$$--

KAPAG matino ang consultant o advisers — makakaligtas sa “blunder” at kapalpakan ang Malacanang.

Nakakalungkot — at kasama tayo sa “nanghihinayang”.

-----$$$--

SA totoo lang, nahahati ang mga maka-Marcos ngayon.

Isang maka-PBBM, at isang maka-Imee.

-----$$$--

MAY ikatlong pangkat ang mga maka-Marcos.

Ito ay ang organic part ng Marcos period — sila ang mga kakontemporaryo o kasabay ni FEM na nagserbisyo sa pamahalaan — mula 1965 hanggang 1985.

-----$$$--

KASAMA sa Marcos Organic ang mga dating kawani at opisyal ng Ministry of Human Settlements (MHS) at Kabataang Barangay.

Sinikap ba ni PBBM at Sen. Imee — na i-reunion man lamang ang mga Marcos Organic?

-----$$$--

NANANATILING iniidolo at minamahal ng Marcos Organic si FEM at Madame Meldy.

Pero, nahati ang mga ito — bilang maka-PBBM at maka-Imee.

Hindi ba’t nakakalungkot?

Nakakapanghinayang!



Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page