Nagutom sa party… VICE, TODO-LAFANG SA FAST FOOD AFTER GMA GALA 2025
- BULGAR
- Aug 6
- 2 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 6, 2025
Photo: Vice Ganda - IG
Nagpaliwanag agad si Meme Vice Ganda sa viral video niya matapos ang GMA Gala 2025 last Saturday.
Nakuhanan kasi ang Unkabogable Star ng video na kumakain sa fast food chain na kanyang ineendorso matapos ang nasabing GMA annual event.
Ipinost ng Mega Kapamilya sa X (dating Twitter) ang video kung saan ay makikitang sarap na sarap si Meme Vice sa pagkain ng fried chicken.
Mababasa sa caption ang “Bakit n’yo naman ginutom si Meme,” with crying emojis pa.
Nakita agad ito ni Vice at sumagot naman siya.
“Sweet lang kasi ang mga subo sa Ball. Sanay ako sa lamon,” paliwanag niya.
Naaliw naman ang mga fans sa kanyang video na tila walang pakialam na lafang nang lafang kahit maraming nakakilala sa kanya sa fast food chain.
Ang isa naman ay nang-intriga kung hindi raw ba masarap ang food sa gala o tinipid ang budget sa pagkain.
‘Di nag-join sa GMA Gala 2025…
POKWANG: GAGASTOS AT MAG-E-EFFORT KA NA, LALAITIN KA PA
HINDI nakadalo si Pokwang sa katatapos lang na GMA Gala 2025, bagay na ipinagtaka ng marami especially ng kanyang mga fans since isa siya sa malalaking artista rin ng Kapuso Network.
Isang fan nga ang hindi nakatiis at nag-post sa X (dating Twitter) ng “Wala si Mamang @pokwang27 sa #GMAGala2025 ano?”
Nakita ito ni Pokwang at kaagad naman niyang sinagot.
“Nagluto po ako ng paninda ko sa Mamang Pokwang’s Gourmet. Meron po kasi deadline mga bulk na order po,” paliwanag ng komedyana.
Pero kasunod nito ay may hugot si Pokwang sa pag-attend ng nasabing event.
“Attend ka ng GALA, gagastos ka, eh, effort ka tapos lalaitin ka pa ng tao. Hahaha! Eh, ‘di magluto na lang ng paninda,” aniya.
Marami naman ang um-agree na talagang magastos ang pagdalo sa mga gala, balls, wedding, et. al.
Isang fan din ang nagtanggol sa kanya at sinabing in fairness ay dumalo naman si Pokwang sa Beyond 75 anniversary celebration ng GMA na ginanap noong nakaraang Hunyo.
Comments