top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | August 6, 2025



Photo: Yasmien Kurdi - IG



Sa social media post ng aktres na si Yasmien Kurdi ay nagbahagi siya ng larawan suot ang pulang gown na bagay na bagay sa kanya. Walang makapagsasabi na ‘yung gown ay 21 taon nang nakatago sa baul ni Yasmien, at ito rin ang gown na suot niya noong StarStruck’s Judgement Night.


Si Yasmien ay ipinanganak noong January 25, 1989. Siya ay 36 years old na, at ‘yung mahiwagang gown na suot niya 21 taon na ang nakararaan, ibig sabihin lang ay 15 years old pa lang si Yasmien noong una niyang isuot.


Infernes (read: in fairness) kay Yasmien, ang ganda pa rin ng gown na buong-puso niyang ipinagmalaki na kahit hindi na bago ay pak na pak pa rin sa kanya at mas lalong nakita ang hugis ng katawan nito at ‘di mo maiisip na may dalawa na siyang anak—sina Ayesha Zara at Raya Layla.


Saad ni Yasmien sa post niya, “Do you remember this gown? (teary-eyed face emoji) This is the very same gown I wore during StarStruck’s Judgement Night 21 years ago! You might even catch a glimpse of it in the opening and closing scenes of GMA’s Station ID on TV.

“For GMA’s 75th Anniversary, I wanted to do something meaningful, a quiet tribute to everything this network has given me. That’s why I went back to the one and only Sir JC Buendia to have this gown upcycled. It was such a warm and nostalgic moment catching up with him after so many years. Ang galing ng ginawa n’yo sa gown… akala ko forever na siya sa cabinet ko (laughing face emoji). Magagamit ko pala ulit. Hello Kuya Sander Andan, StarStruck’s head stylist… thank you for introducing us to JC Buendia (red heart emoji)

“Big thanks to my stylist Gabby Wu for making it all work even with my super last-minute prep (alam mo na, sobrang busy! (sweating smiling face emoji). Side note: naiwan ko 'yung bracelet… dapat may bangle pa 'yan! (peace hand sign emoji)


“I had the best time at the Gala reconnecting with old friends who truly feel like family.

Happy 75th, GMA! (red heart) Here’s to many more years of storytelling and memories (toasting glasses emoji).”


Dagdag pa ni Yasmien, “Usually, I skip eating at the #GMAGala kasi ‘di ako makaupo sa seat ko, busy sa chikahan at ayokong mapunit ang gown ko! But this year, I said bahala na si gown, time for a different kind of Gala… FOOD TRIP mode ON! And wow, ang sarap ng lahat!

GMA Gala 2025 Menu (Shrimp icon emoji) Sustainable Tiger Prawns with saffron & lemon tomato veil (Mushroom and tea icon emoji) Porcini Mushroom Consommé + Blue Pea Flower Tea (Steak icon emoji) Beef Tenderloin au Poivre with corn purée & scalloped potatoes (Rose icon emoji) Rose Garden dessert na parang pang-fairytale: lychee mousse, mango jelly, and candied rose petals!


“A girl’s gotta eat. Happy 75th, @gmanetwork! #GMAGala2025.”


Bongga ka d’yan, Yasmien! Sa galing mong mag-alaga ng mga damit mo, puwedeng-puwede pang gamitin ng anak mo o ng magiging apo mo. 



BALIK-CONCERT ang the one and only Fiery Soul Torch Diva at aktres na si Malu Barry.


Siniguro ng singer na si Malu na nakapagpahinga siya nang husto bago maganap ang concert para handang-handa siya sa pagkanta.


Kagagaling lang ni Malu sa Stage 3 cancer, at sa awa ng Panginoong Diyos ay napagaling siya sa malubhang sakit.


Wala nang sinasayang na panahon si Malu, kaya naman balik-concert siya at ang title ng concert niya ay One & Only Ms. Malu Barry with special guest Martin Lina, this coming August 20, 2025, at 8:30 ng gabi na gaganapin sa Janealo Bay Café sa Roxas Blvd. cor. South Drive, Manila, in front of Rizal Park Hotel.


Nagpapasalamat din si Malu kina Mayor Sammy Co, Mrs. Ilang-Ilang Co, Aficionado, VRM, K-Bar, at sa magagaling na OOTD hosts na sina Jobert Sucaldito at Direk Chaps Manansala.


Bilib pa rin si yours truly sa boses ni Malu na kahit na dumaan sa malubhang sakit ay hindi nagbago ang galing sa pagkanta. Good luck, my friendship, Malu Barry.

 
 

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 6, 2025



Photo: Vice Ganda - IG



Nagpaliwanag agad si Meme Vice Ganda sa viral video niya matapos ang GMA Gala 2025 last Saturday.


Nakuhanan kasi ang Unkabogable Star ng video na kumakain sa fast food chain na kanyang ineendorso matapos ang nasabing GMA annual event.


Ipinost ng Mega Kapamilya sa X (dating Twitter) ang video kung saan ay makikitang sarap na sarap si Meme Vice sa pagkain ng fried chicken.


Mababasa sa caption ang “Bakit n’yo naman ginutom si Meme,” with crying emojis pa.

Nakita agad ito ni Vice at sumagot naman siya.


“Sweet lang kasi ang mga subo sa Ball. Sanay ako sa lamon,” paliwanag niya.

Naaliw naman ang mga fans sa kanyang video na tila walang pakialam na lafang nang lafang kahit maraming nakakilala sa kanya sa fast food chain.


Ang isa naman ay nang-intriga kung hindi raw ba masarap ang food sa gala o tinipid ang budget sa pagkain.


‘Di nag-join sa GMA Gala 2025…

POKWANG: GAGASTOS AT MAG-E-EFFORT KA NA, LALAITIN KA PA


HINDI nakadalo si Pokwang sa katatapos lang na GMA Gala 2025, bagay na ipinagtaka ng marami especially ng kanyang mga fans since isa siya sa malalaking artista rin ng Kapuso Network.


Isang fan nga ang hindi nakatiis at nag-post sa X (dating Twitter) ng “Wala si Mamang @pokwang27 sa #GMAGala2025 ano?”


Nakita ito ni Pokwang at kaagad naman niyang sinagot.

“Nagluto po ako ng paninda ko sa Mamang Pokwang’s Gourmet. Meron po kasi deadline mga bulk na order po,” paliwanag ng komedyana.


Pero kasunod nito ay may hugot si Pokwang sa pag-attend ng nasabing event.

“Attend ka ng GALA, gagastos ka, eh, effort ka tapos lalaitin ka pa ng tao. Hahaha! Eh, ‘di magluto na lang ng paninda,” aniya.


Marami naman ang um-agree na talagang magastos ang pagdalo sa mga gala, balls, wedding, et. al.


Isang fan din ang nagtanggol sa kanya at sinabing in fairness ay dumalo naman si Pokwang sa Beyond 75 anniversary celebration ng GMA na ginanap noong nakaraang Hunyo.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page