top of page
SHOWBIZ SPECIAL - ROMNICK- 54-ANYOS NA AKO, NAGBI-VIDEO GAMES PA RIN, WALA PA AKONG NASAKT

Nagulat na lang daw siya, Will… BRENT, IBINULGAR NA BIGLA NA LANG NAGING COLD SI MIKA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 40 minutes ago
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | August 24, 2026



BULGARY - BRENT, IBINULGAR NA BIGLA NA LANG NAGING COLD SI MIKA-IG _brentymanalo & _mikslmnc

Photo: IG _brentymanalo & _mikslmnc



Kani-kaniyang ‘hugot’ o shoutout ang mga hosts ng It’s Showtime (IS) last Saturday bago sila nag-umpisa sa segment ng Miss Q&A. Matapang na humugot sa kanilang mga TOTGA (the one that got away) ang mga hosts.


Malalim ang naging hugot ni Brent Manalo, na ang mensahe ay para sa kanyang kapwa-PBB (Pinoy Big Brother) housemate. 


Aniya, “To my ex, sa aking dating BIG WINNER, do you remember the time I tried to be better? Nagulat na lang ako nang biglang naging cold ang weather. 


“Kaya ito ngayon, ngingiti na lang at alone sa next chapter.”


Halata naman na ang tinutukoy na dating Big Winner ni Brent ay si Mika Salamanca.

Teary-eyed naman si Ryan Bang sa kanyang mensahe, “Ako’y may dating kasintahan at dati kaming nagmamahalan, pero ‘di pumayag ang tadhana kaya ‘di kami natuloy sa dambana.”


Sariwa pa sa puso ng Koreanong host ang nangyari sa kanila ng ex-girlfriend na si Paola Huyong.


Dapat ay ikakasal na sila nitong pagpasok ng 2026. Lahat ay handa na, pero at the last minute ay nag-backout umano ang kanyang fiancée.


Si Kim Chiu, muntik umatras. Ayaw na raw sanang mag-call-out, pero hindi siya nakatakas sa mga hosts.


Kaya ang sabi niya, “‘Di kita pinagsisihan pero ‘di na kita babalikan. Dahil may mga alaala na dapat maging alaala na lang.”


Well, kanino kaya kina Gerald Anderson at Xian Lim ang hugot na ‘yun ni Kim?

‘Yan ang mga ‘hugot’ na tumatak at tumagos sa puso ng mga netizens at nagba-viral ngayon sa mga social media platforms.





Sumablay ang kontrata… CHARLIE, K-POP ARTIST NA SANA, NAPURNADA PA



DREAM pala ng aktres na si Charlie Dizon ang maging K-Pop artist, at nakapag-training pa siya noon sa South Korea (SoKor).


Sa kanyang pag-guest sa Oh My Gan! (OMG!) ni Ganiel Krishnan, ikinuwento ni Charlie ang mga liku-likong nangyari sa kanyang career at kung paano naging mahalagang turning point ang isang malaking kabiguan sa kanyang buhay.


Bago siya pumasok sa showbiz, ibang career ang plano ni Charlie. Nag-aral siya ng Nursing sa University of Santo Tomas (UST) at dalawang taon niyang tinapos ang kurso. Seryoso siyang nagbabalak noon na pumasok sa medical field at hindi niya nakikitang posible niyang pasukin ang showbiz dahil wala siyang koneksiyon sa industriya.


Aniya, “Gusto kong mag-Med (medical course) talaga, kasi ‘di ko naman talaga ine-expect na makakapasok ako sa showbiz.”


Nagbago ang kanyang plano nang ipakilala sa kanya ng isang kaklase ang mga Korean drama at K-Pop music. Dahil dito, nagsimula siyang dumalo sa mga lokal na K-pop events hanggang sa magkaroon ng audition ang isang Korean agency at mapili siya.


Dahil dito, nagpasya siyang itigil muna ang pag-aaral at mag-training sa ibang bansa. Ngunit hindi naging madali ang lahat dahil nagkaroon ng problema sa kanyang kontrata at mga legal na papeles.


Ayon kay Charlie, pinagsama kasi sa kontrata ang training bilang estudyante at ang magiging trabaho niya sa hinaharap. Iginiit ng mga awtoridad na kailangang malinaw kung ang kontrata ay para sa training lamang o para sa trabaho.


Sinubukan ding alamin ng ahensiya kung kaya niyang manirahan sa SoKor dahil may ilang nauna sa kanya na hindi nagtagal dahil nahirapan sa pagkain at kultura.


Nang subukang ayusin ng kumpanya ang kanyang mga dokumento, iminungkahi raw na baguhin ang ilang detalye sa kontrata ngunit hindi pumayag ang kanyang ina.


Kuwento niya, “So, parang umabot sa gusto na nilang i-fake ‘yung contract. S’yempre, ayaw ng mommy ko. So, ‘di na ako tumuloy.”


Masakit para kay Charlie ang nangyari. Pakiramdam niya ay napahiya siya dahil naikuwento na niya sa iba ang kanyang malaking plano, at hindi niya agad naintindihan kung bakit hindi natuloy ang bagay na matagal niyang ipinagdasal.


Aniya, “‘Yung parang, ‘Bakit? Eh, ipinag-pray ko ‘to.’”


Kalaunan, nagbago ang pananaw ni Charlie sa nangyari. Sa halip na tingnan ito bilang kabiguan, nakita niya itong parang pagdadala sa kanya sa tamang landas.


“So, dito pala ako,” ani Charlie, na para bang napagtanto niyang sa pag-arte pala talaga siya nakalaan.


Napansin din niya ang paulit-ulit na pattern sa kanyang career—madalas daw dumarating ang malalaking oportunidad kapag pagod na siya at malapit nang sumuko.


Sey niya, “Every time din na parang pasuko ako, lalong may nag-o-open na door.”

Pagbalik niya sa Pilipinas, ipinagpatuloy ni Charlie ang kanyang pag-aaral habang dumadalo rin sa mga public acting workshop ng Star Magic.


Kalaunan, nakapagtapos siya ng Human Resource Management sa De La Salle-College of Saint Benilde, bilang pagtupad sa hiling ng kanyang ina na tapusin muna niya ang pag-aaral bago tuluyang pumasok sa pag-arte.


Hindi man natuloy ang pangarap niyang maging K-Pop artist, nagpatuloy naman siya sa kanyang pag-aaral at kalaunan ay napunta sa showbiz, kung saan siya nakilala bilang mahusay na aktres.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page