Nagselos, gay comedian, nilayasan... VICE, BINITBIT ANG NANAY AT ATE PARA SUYUIN SI ION NA BALIKAN
SIYA
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | June 20, 2021

Ang malalapit na kaibigan ni Vice Ganda ang nagsasabing malaki ang ipinagbago ng comedian-host nang maging BF niya si Ion Perez a.k.a. Kuya Escort.
Natigil na ni Vice ang paninigarilyo at pag-inom. Hindi na rin ito madalas na rumampa at gumala kasama ang mga tropa niya. Lagi na lang siya sa bahay at masaya na siya na nakikita si Ion.
Sa kanyang BF lang umiikot ang mundo ni Vice ngayon. Kaya nang magkatampuhan sila dahil nagselos daw si Ion at umuwi ng probinsiya, nataranta/nag-alala si Vice.
Sinuyo niya ang BF at kasama ng kanyang nanay at ate ay pinuntahan nila si Ion para magpaliwanag.
Malaki ang tiwala at respeto ni Ion sa nanay at ate ni Vice kaya naniwala siya sa paliwanag ng mga ito.
Sa ngayon ay okey na okey ang relasyon nina Vice at Ion. Napatunayan din ni Vice na sincere sa kanya ang nobyo.
Samantala, maraming kaibigan si Vice na nagpapayo sa kanya na mag-anak upang may makasama sa kanyang pagtanda.
At mukhang pinag-iisipan itong mabuti ni Vice dahil gusto niyang makumpleto ang kanyang kaligayahan.





Comments