Nagsalita na sa kumalat na buntis kay Jeric… SHERYL: WALANG MASAMA SA MAY-DECEMBER AFFAIR
- BULGAR

- Feb 15, 2021
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | February 15, 2021

Fresh episodes na ang mapapanood sa hit series ng GMA-7 na Magkaagaw starting this Monday (February 15).
Gusto nang mapanood ng mga viewers kung ano ang nangyari after mahuli ni Clarisse (Klea Pineda) ang asawang si Jio (Jeric Gonzales) sa resto at hotel.
May konting reklamo lang ang mga fans nina Klea at Jeric dahil lumalabas daw na ang magka-love team sa Magkaagaw ay ang aktor at si Sheryl Cruz.
Sina Sheryl at Jeric daw ang laging may balita at sa Instagram account ng aktres, naipo-promote nang husto ang tambalan nila ni Jio dahil igine-guest niya ang aktor sa kanyang vlog.
Kahit may age gap, marami ang kinikilig sa tambalan nina Sheryl at Jeric. Nangyayari raw kasi ito in real life na nagkakainlaban ang magkalayo ang edad. Si Sheryl kasi ay 46 at 28 years old naman si Jeric.
Galing nga yata sa imahinasyon ng mga fans ang tsismis na buntis si Sheryl kay Jeric.
Comment naman ni Sheryl sa May-December affair, “Things like these happen; it’s not an uncommon situation. There are people who are able to make things work and all the best for them. If they really love each other, there’s nothing wrong with that.”




Comments