top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Nagrebelde sa parents, pinarusahan… HEART, KUMANTANG NARANASANG P30 LANG ANG LAMAN NG ATM

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 18, 2021
  • 1 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | February 18, 2021





Hindi alam ng marami na dumaan din pala si Heart Evangelista sa kahirapan. Ini-reveal niya ito sa vlog ni Dra. Aivee Teo na talaga namang nakaka-shocked dahil alam naman ng lahat na ipinanganak na mayaman ang aktres at kahit nga hindi magtrabaho ay mabubuhay siya.


Ito raw ‘yung panahong ginawa niya ang teleseryeng Hiramna Mukha sa ABS-CBN in 2007. Aniya, ito raw ang pinakamahirap na proyektong ginawa niya dahil dusa nga naman sa prosthetics.


“Hirap talagang kumita ng pera,” sambit niya.


Ito raw ‘yung panahong umalis siya sa poder ng parents niya at nagsimula siya from scratch. Nag-iba raw talaga ang lifestyle niya at natutong mamuhay nang simple lang.

“And I had to do this (Hiram na Mukha) because I had no money at that time,” she said.


Sobrang hirap daw talaga dahil naka-prosthetics siya hanggang 3 AM the next day at talagang tinatawagan niya lagi ang manager niya to say na hindi na niya kaya.


Wala raw siyang pera that time dahil gusto talaga ng mommy niya na mag-suffer siya para bumalik sa kanila. Dumating daw siya sa point na wala siyang pang-dinner at inilibre lang daw siya ng assistant niyang si Resty.


“Ate Resty, naglibre sa akin sa restaurant. Wala akong pera, 30 pesos lang ang laman ng ATM ko, so wala akong pang-dinner,” kuwento ni Heart.


Well, noon pa ay alam naman ng lahat na may love-hate relationship din si Heart sa mommy niya and very vocal din ang aktres noon pa na naging rebelde siya during her younger years.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page