Nagpayo sa paggamit ng condom… SIGAW NG NETIZEN: VICE AT VHONG, BAD INFLUENCE SA KABATAAN!
ni Julie Bonifacio - @Winner | July 18, 2021

Kinorek ni Vice Ganda ang netizen na nagsabing bad example sila ng kapwa niya It’s Showtime host na si Vhong Navarro sa Christian world.
Ini-repost ni Vice sa kanyang Twitter account ang komento ng netizen pagkatapos magpahayag nina Vice at Vhong ng opinyon tungkol sa paggamit ng condom ng mga kabataan.
“Vice ganda and Bhong Navarro were not careful and were bad examples to this Christian nation. This is my censure for them,” comment ng netizen.
Instead na magbigay ng negative reaction si Vice, kinorek ng TV host ang netizen sa spelling ng pangalan nila ni Vhong at ibinato pabalik ang pagpapamukha sa kanya na bad example ang Unkabogable Star sa Christian nation.
Tweet ni Vice, “And you were not careful with your spelling! It’s Vhong not Bhong! And people’s names are proper nouns therefore should be capitalized. It should be Vice Ganda not Vice ganda. You’re a bad example to the Christian nation!”
Sinuportahan ng ibang netizens ang post ni Vice at pagsabi niya sa mga kabataan sa tamang paggamit ng condom.
“Porke't in-inform lang nina Vice at Vhong ang mga youth ng proper way of using condoms, masamang Kristiyano agad? Heellereerrr... nasa millennial age na 'noh!!! Walang masama sa sinabi nila, 'noh! 'Kalokaaaaa... Go, Vice!”
“May point naman sina Meme and Vhong. 'Di naman na natin mapipigilan ang mga kabataan gawin 'yung mga bagay na 'yun. Ang magagawa na lang natin is to educate them kung paano maging responsible sa mga actions na gagawin nila. Kasi kung tutuusin, mahirap na talaga. 'Di na natin mababago 'yun."
“Note: Bago tumahol, make sure your grammar is correct HAHAHAHAHA. Wrong grammaring pa nga!”
“Nakakaloka naman 'yan, Ma. Mamba-bash na lang, mali-mali pa, hahahahahahahaahahahah.”
Ganern.





Comments