Nagparehistro sa Tate… SIGAW NI KC: ANG BOTOHAN, PARANG LOTTO, TSAMBA-TSAMBA ANG MANANALO
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | October 2, 2021

Speaking of voting registration, maging si KC Concepcion na nasa USA ngayon ay nagparehistro na rin. Ipinost din niya sa kanyang socmed account ang kanyang pagpapa-register sa Philippine Consulate.
Sa video na ipinost habang naglalakad mula sa parking lot, aniya, “We’re in Korea town here in LA on our way to the Philippine consulate. So, makapag-register na at maka-vote sa coming elections.”
Sa caption ay ipinaliwanag ni KC na nagpa-transfer din siya mula sa Paris, France kung saan siya dating rehistrado as overseas voter.
“Paminsan ang voting, parang lotto… chamba-chamba din kung sino-sino ang mananalo. Ang importante… may entry tayo!
“The Philippine Presidential election is coming in May 2022 and I wanted to make sure I could VOTE. Had to transfer my overseas voting registration from Paris, France (where I was registered as an overseas voter) to LA (since I plan to vote from here.) REGISTER to VOTE- it will make a difference. God bless the Philippines,” caption ni KC.
Matatandaang lumipad si KC patungong Amerika nitong nakaraang Hunyo. Aniya ay matatagalan siya sa US dahil kinakailangan niyang tapusin ang kanyang pag-aaral ng Gemology.





Comments