Nagpanggap na pulubi, may nilabag daw na batas… IVANA: KASUHAN NILA AKO, LALABAN AKO!
- BULGAR
- Apr 5, 2021
- 1 min read
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | April 5, 2021

Nagbigay na ng reaksiyon si Ivana Alawi sa bantang maaari siyang kasuhan sa pagpapanggap niyang pulubi kamakailan na ini-upload sa kanyang YouTube vlog.
Nag-trending ang nasabing vlog at talaga namang pinag-usapan nang husto to the point na pinik-ap ng isang lawyer at sinabing labag nga raw sa batas ang ginawa ni Ivana’t puwede raw kasuhan ang vlogger/actress.
Sa bagong vlog ni Ivana ay sinagot niya ang isyung ito.
"Kung may nalabag akong batas, eh, di kasuhan na lang nila ako, haharapin ko ‘yun, lalaban ako, 'di ba?” sabi ni Ivana.
Dagdag niya, “Kasi para sa akin, I didn't do anything wrong. Ang intensiyon ko is just to help out and to inspire people. Wala akong tinapakan na tao, wala akong nasaktan na tao and masaya ako sa video ko and I will do it again. Ngayon, kung may nalabag akong batas, eh, di kasuhan na lang ako.”
Aniya pa, talaga raw laging may masasabi at masasabi ang mga tao ke maganda o hindi ang iyong ginagawa.
“Hayaan na lang natin. Na-realize ko sa buhay, parang no matter what you do, kung may gagawin kang maganda, kung may gagawin kang hindi maganda, laging may masasabi sila,” saad ng dalaga.
Sey naman ng kapatid niyang si Mona Alawi, “Totoo, you can’t please everyone.”
Sabi naman ni Ivana, “Yeah and I’m okay with that. Kaya nga dinededma ko na lang ‘yung mga nangyayari na ganu’n, hay naku, dedma lang talaga sa akin.”
Sinabi rin ng dalaga na unfair naman daw na gamitin ang content niya ng ibang vloggers dahil trending ito.
“That’s so wrong,” she said.
Comments