Nagpakatotoo lang, Jennylyn… KIM, UMAMING TYPE SI DENNIS
ni Beth Gelena @Bulgary | March 25, 2024

After ng contract signing ng ABS-CBN at GMA-7 last March 20 para sa It's Showtime na eere na sa Kapuso Network simula sa April 6, ay nakapanayam ang mga hosts ng noontime show.
Isa sa mga nakunan ng pahayag ay si Kim Chiu, isa sa main hosts ng programa.
Natanong si Kim kung sino sa mga Kapuso stars ang bet niyang makatrabaho ngayong nasa GMA-7 na nga ang It’s Showtime na kapalit ng Tahanang Pinakamasaya.
Ilan sa mga binanggit na names ni Kim ay sina Dennis Trillo, Ruru Madrid, Marian Rivera, Barbie Forteza at Jennylyn Mercado.
Well, why not a Kim-Dennis team-up? Mukhang exciting 'yan dahil first time nilang magkakatambal kung sakali.
At siguro naman, 'di pagseselosan ni Jennylyn si Kim dahil 'di rin naman nagselos sa kanya ang aktres nang magtambal sila ni Xian Lim na ex-BF nito sa seryeng Love. Die. Repeat.





Comments