top of page
Search
  • BULGAR

Nagpaalam na kay Aga… VICE, KINUKUHA SI ANDRES SA IT'S SHOWTIME NA PANTAPAT KAY ATASHA SA EB!

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | February 7, 2024



Nang mag-guest si Aga Muhlach sa It’s Showtime kamakailan ay nagsabi si Vice Ganda sa kanya na baka puwedeng gawing regular host sa noontime show nila ang anak nitong si Andres Muhlach.


Sa kasalukuyan, ang twin sister ni Andres na si Atasha Muhlach pa lang ang may regular show, sa sikat na noontime show na Eat… Bulaga! sa TV5.


Marahil naisip ni Vice na healthy naman ang competition kapag nagkatapat ang kambal sa noontime show.


Kaya naman, natanong si Aga nina Nanay Cristy Fermin at Romel Chika nang mag-guest siya sa programang Cristy Ferminute na napanood sa Radyo 5 92.3 True FM nitong Lunes nang tanghali kung papayagan niya ang anak.


Natawa muna ang ama nina Andres at Atasha.


“Hindi ko po alam talaga. Unang-una, natutuwa ako kay Vice nu’ng iniinterbyu niya ako. Sabi ko sa kanya, ‘Ikaw magsabi (kay Andres), imbitahin mo!'” sagot ng aktor.


Katwiran ni Aga ay hinahayaan niya ang kambal na sila ang magdesisyon kung ano ang gusto ng mga ito sa buhay.


Aniya, “Hindi ako ang nagdedesisyon talaga, sa totoo lang. Pinalaki ko sila na magdesisyon sila ng sa sarili nila.


“Ngayon na nasa tamang edad sila, ayos na ang eskuwelahan nila at tapos na sa pag-aaral, kung ano ang gusto n’yong gawin, basta kayo ang may desisyon n’yan, mahirap na trabaho ‘yan, gawin n’yo nang tama and then good luck sa inyo. Basta nandito lang kami (kasama si Charlene) sa likod ninyo. 


"If the invitation is real, nakakakilig ‘yun, 'di ba? Kinikilig ako!” dagdag pa ni Aga.


Sa kasalukuyan ay wala pang update kung nag-reach out na si Vice kay Andres sa lambing niyang sana, isa ito sa maging mga hosts ng It’s Showtime.



 


Sa dami ng mga produktong pampaganda, pampakinis, pampapayat at iba pa, kailangan ng mga sikat na endorsers para mapansin ng mamimili lalo na kung bago pa lang sa merkado.


Kaya naman hindi maiiwasan ang mga may-ari ng mga produkto na ‘umaray’ kapag ginagaya ang kanilang best-selling products at ibebenta sa murang halaga dahil nag-invest sila ng malaking puhunan dito, plus sa mataas na talent fee ng kanilang mga endorsers.


Isa na nga sa mga umaray ay ang kilalang CEO/founder na si Anna Magkawas na host ng Negosyo Goals na napapanood sa GTV at founder ng Luxe Beauty & Wellness Groups.


Sina Zeinab Harake at Tony Labrusca ang mga endorsers ni Anna sa mga produkto niya at alam naman ng lahat na malakas ang social media platforms ng dalawa, kaya rin sila kinuha ng nasabing CEO para makatulong sa Luxe Slim products.


At dahil dito ay nagpatawag ng mediacon ang CEO/founder ng Luxe Beauty & Wellness Groups para manawagan sa mga mamimili ng produkto niya.


“Right now, ang gusto nating ipahatid sa mga tao is ano ba ‘yung hitsura ng mga fake na Macchiato at Dark Choco? Kasi ang dalawang produktong ito ng Luxe Slim ang pinakamabenta sa amin at ito ang ginagaya na halatang peke.


“Kasi iniiwasan natin na ma-ingest, iniiwasan natin na mainom nila ito. Of course, hindi tayo sigurado kung FDA approved ba ‘yung mga ibinigay sa kanila? Hindi tayo sigurado kung safe bang inumin? Dahil kung ang intensiyon po talaga, eh,

makapanloko, ‘di ba, baka hindi na rin nila tiningnan noong time na ‘yun kung okay lang bang inumin ng mga tao,” paliwanag nito.


Ipinakita ni Anna sa media ang packaging ng legit at pekeng Cafe Macchiato at Dark Choco na malaki ang pagkakaiba. 


Ang original, makapal, matte at matchbox type ang kahon. Ang mga peke naman, mas malapad, manipis, glossy, at walang legit logos at seal ng Luxe Slim.


Nabanggit din ni Anna na gusto niyang iparating na gumawa na sila ng hakbang para hindi mabiktima ng pekeng online sellers.


“Kung kayo po talagang user na nitong product, madi-distinguish n’yo po kaagad na fake po ‘yung ibinigay sa inyo,” saad ni Anna.


0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page