top of page
Search
  • BULGAR

Nagkalat na maling impormasyon tungkol sa COVID-19, aksiyunan agad!

ni Korina Sanchez - @Isyung 'K' | April 13, 2021



Sa loob lamang ng dalawang araw, naunahan na natin ang Portugal at Israel sa dami ng kaso ng COVID-19. Noong Miyerkules ay pang-30 na tayo habang pang-28 ang Israel at pang-29 naman ang Portugal.


Samantala, nitong Huwebes ay nalampasan na natin ang Portugal sa COVID-19 cases. Habang noong Biyernes, nalampasan na ang Israel kaya ang Pilipinas ay pang-28 na. Mahigit 9-K COVID cases ang naitala noong Huwebes habang mahigit 12-K naman noong Biyernes, sa kabila ng halos dalawang linggong enhance community quarantine o ECQ.


Kaugnay nito, ngayon ay nasa 853,209 na ang COVID-19 cases habang 14,744 naman ang bilang ng mga namatay, samantala, 648,220 naman ang gumaling.


Kailangang matukoy ng gobyerno ang mga taong nagkakalat ng maling impormasyon hinggil sa pandemya—wala naman daw talagang virus at hindi kailangang magsuot ng face mask.


Sinasabi lamang umano ng mga doktor na COVID ang mga karaniwang sakit—lahat ito ay maling impormasyon na dapat aksiyunan ng gobyerno.


Lubos na delikado ang magkalat ng maling impormasyon dahil may mga naniniwala rito.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page